Advertisers
ISA na namang kalamidad ang tumama sa ‘Pinas bunga ng 7.8 magnitude na lindol sa Sarangani nitong Lunes. Ayon sa Office of the Civil Defense, 37 na ang kumpirmadong patay habang daang milyon, kung hindi man, bilyones, ang halaga ng mga nasirang imprastraktura—kalsada, gusali, paaralan, etc.
Sa panibagong trahedyang ito, isa ulit nakakabinging katahimikan ang sagot ng ‘Tadong Unidos habang tahimik din ang mga “tuta” nito sa Sandatahang Lakas at DND kung ano ang silbi ng Lumbia Airbase sa Cagayan de Oro (Mindanao) at Mactan Airbase sa Cebu (Visayas) upang tulungan ang mga biktima.
Ang Lumbia Airbase at Mactan Airbase ay dalawa sa siyam na base-militar ng ‘Tadong Unidos sa ‘Pinas na puwede sanang agad magamit sa ‘humanitarian missions’ pero hindi nga puwede dahil kailangan pa ang “basbas” ni Uncle Sam.
Noong “isinalaksak” ng mga tuta ng Washington ang pagbabalik ng mga bagong base-militar ng Kano, kasama sa kanilang “palusot” ay “pag-aari” daw natin ang mga ito at gagamitin ito sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, katulad ng nangyari noong Lunes sa Sarangani. Talaga lang ha, hehehe!
Apat na araw na ngayon matapos ang lindol, “nasaan” ang mga Kano? At bakit ‘stay put’ lang ang AFP? Dahil ba wala pang ‘go signal’ ang US Pacific Command sa Hawaii?
Ilang beses na bang nangyari na hindi kikilos ang AFP para gamitin ang mga base-militar at mga kagamitan sa mga ito hangga’t hindi pumapayag ang mga Kano? Kumbaga, ang sitwasyon natin, ‘No US permit, no help and assistance,’ period!
Ang “nakakapikon” pa, para lang makaiwas matumbok ang masagwang katotohanang ito, ang “ibinebenta” sa atin ngayon nitong si General Romeo ‘Brownie’ Brawner ay ang gasgas na “pananakot” hinggil sa China.
At siyempre, parang de-susing laruan ng White House itong si Jay Tarriela ng PCG na sa halip tutukan ang pagtulong sa Sarangani, wala nang ginawa kundi “urutin” ang mga Pinoy laban sa China.
Aba, mga bosing, “bistado” na namin kayo, oke? “Magpaalam” na kayo sa mga amo ninyong ‘Merkano para naman may silbi kayo. Abangan!