Advertisers
SUMISIGAW ng hustisya ang mga kaanak ng dalawang rookie players ng ATENEO DE MANILA UNIVERSITY(ADMU) na nasawi sa pagkalunod sa isinagawang week long aqua training activity sa Depaculao, Aurora beach para sa kanilang basketball team nitong nagdaang Linggo. Hindi na ipinakita ng ADMU ang labi ng 2 pambatong rookies na sina RENE CLERT BATERBONIA, 19 y/o ng Agusan del Sur at Nigerian import DIVINE ADILI, 21.
May ‘foul play ‘ ayon sa pahiwatig ng ina ni RENE CLERT na si ROVELYN, ‘Bakit napunta roon sa dagat, basketbol naman yung anak ko , hindi swimming!” May mga mensahe aniya sa kanya na may mga pasa sa katawan si CLERT at may ankle weights o may pabigat na 20kilos sa paa.
On the other hand, as per report ng Philippine National Police (PNP) led by Col.PERCIVAL PINEDA, ‘walang foul play at purely accidental’. Ayon sa ulat ng Depaculao Municipal Office & Police Regional Office, ‘inanod ng current sa deeper waters ang 2 rookies. Negative sa pasa liban sa gurlis si CLERT ayon sa ulat.
Syempre po namang trending sa news outlets at social media ang balita sa ADMU aqua training tragedy at maraming silip ang hatid ng netizens. Bakit nga ba kailangang dumaan sa ganoong training sa swimming ang mga basketbolista? Hindi naman sila dapat isabak sa military training, pang -sundalo anila ang aqua training na ginagawa ng ADMU sa kanilang basketball men’s team.
Pinuputakte rin ngayon si Team Coach TAB BALDWIN at nababalikan pa ang dating isyu na muntikan na rin may nalunod noong mga unang ratsada ng nasabing swimming training sa Aurora na kilala ring ‘may nasasakripisyo’ anila sa lugar na yun, part ng Pacific Ocean o malawak na dagat, prone sa giant waves at strong current, frequented by tsunami.
So saddening na biglang hirit ng ganitong balita sa student athletes, naging casualties ng team training na nakasalang ngayon sa paninisi ng publiko. “No safety measures, no medical team to attend swiftly, and seems irrelevant to cagers’ line of work., ‘ training or initiation?” Dapat umanong panagutan ng ADMU ang trahedya at maling linya ng disiplina sa cagers.What do you think fellow Sports lovers?
Samantalang nakasubaybay, nakikisimpatiya at nakikiramay ang iba’t ibang Sports firms & agencies, led by Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympics Committee (POC) et al, ano kaya ang next para sa ADMU, in terms of sanctions, meron po ba? Let’s just follow, fellow Sports lovers!!
***
CHEERS OF JUNE
HAPPY 7th BIRTHDAY to ANDREW GABRIEL ‘ ANDY’ RIVERA ALEJO of PugadLawin, QC., Special Science School for bright kids. to Mam MA. LIBERTY ALBAG & Mam EMILIA A. OBLIPIAS of AUPC and to Sir MARK ALVIN SAMSON (LFIS). MBTC and Best blessings! HAPPY READING!