Advertisers

Advertisers

60-day price freeze sa mga lugar na nasa state of calamity dahil sa lindol – DTI

0 7

Advertisers

IPINATUPAD ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price freeze sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity.

Ito ay para hindi samantalahin ng mga negosyante ang pagtataas ng presyo ng pangunahing bilihin at pangangailangan sa mga lugar na tinamaan ng lindol.

Kabilang na rito ang General Santos City at Alabel Town Capital ng Saranggani na matinding tinamaan ng lindol.



Sinabi ni DTI Sec. Cristina Roque, kapag nasa ilalim ng price freeze, hindi maaring magtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ang kautusang ito ay epektibo sa loob ng 60 araw maliban na lamang kung palawigin pa alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.



Hinimok naman ng DTI ang mga mamimili na i-report ang mga tindahan, distributor, o manufacturer na nagbebenta ng mga pangunahing bilihin nang lampas sa umiiral na presyo at itawag sa One-DTI (1-384) Hotline.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">