Advertisers

Advertisers

CLAUDIA BARRETTO TAMA BANG ITAKWIL SI DENNIS PADILLA?

0 6

Advertisers

By Dominic Rea

Anong sumapi sa pagkatao nitong si Claudia Barretto na anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto? Bakit bigla nalang itong nagsabing ipapa-omit nito sa kanyang pangalan ang apelyido ng Amang si Dennis Padilla na Baldivia dahil mas gusto daw nitong dalhin ang apelyido ng kanyang Inang si Marjorie Barretto? Ito na ba ang kalakaran sa mga makabagong kabataan na kapag may hidwaan sa pamilya sa kung anumang dahilan ay napakadali nalang sa kanila ang magdesisyong umapelang tanggalin ang apelyidong bumuo sa kanila para maisilang sa mundong ito? Maaring maging posible ang lahat kapag idinaan sa legal na paraan. Pero ang tanong kasi, tama ba ang gagawin ni Claudia sa kabila ng mapagkumbabang admittance ng Ama nitong si Dennis na kung ano raw ang ikakaligaya ng kanyang anak ay maligaya na rin ito at tatanggapin niya ng maluwag sa dibdib? Isang pagtatakwil ito sa sariling Ama, diba?

KARLA ESTRADA LEVEL-UP NA ANG BUHAY



Sinong mag-aakalang mula sa parenta-renta ng bahay kung saan-saan at pinapaalis na kapag walang maibayad ay nakatira na ngayon sa Ayala Alabang ang isang Karla Estrada? Mula sa pagharap ng napakaraming pagsubok sa buhay maitaguyod lang ang kanyang pamilya at mga anak ay pinagpala naman ngayon si Karla ng isang marangyang buhay at bastante na sa lahat ng materyal na bagay. Bukambibig naman ni Karla na ang lahat ng karangyaan diumano ngayon ay dahil sa kanyang anak na si Daniel Padilla. Happy na si Karla sa kung anumang meron sila ngayon lalo na diumano sa mga achievements ng kanyang apat na anak sa magkakaibang Tatay. Ine-enjoy nalang daw ngayon ni Karla ang kanyang buhay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">