Advertisers
By ARCHIE LIAO
Makulay ang lovelife ni Ellen Adarna.
Aside from John Lloyd Cruz at Derek Ramsay, na-link din siya sa ibang lalake.
For one, isa rin siya sa mga pinaka-prangkang tao sa showbiz.
Besides, aminado siyang kokonti lamang ang mga itinuturing niyang kaibigan sa showbiz.
Isa na rito ang kapwa Bisdak na si Beauty Gonzalez.
Sa tsikahan sa vlog ni Melai Cantiveros, inamin ng Cebuana-born actress na iniyakan niya ang unang boyfriend niya noong high school.
Katunayan, tatlong gabi raw siyang cry to death nang walang humpay sa paghihiwalay nila ng nasabing ex.
Naibahagi rin niya ang ‘golden rule’ na ipinayo sa kanya ng kanyang ama tungkol sa mga lalake na somehow ay nagmarka sa kanyang kamalayan.
“No man is worth your tears,” aniya. “Hindi ka madaling makuha kaya huwag kang magpaloko,” dugtong niya.
Pangaral pa raw ng kanyang namayapang ama na mas okey sa kanya ang magkaanak pero huwag patali sa lalake.
Tungkol naman sa ex na si Derek Ramsay, inamin niya na wala raw talaga siyang balak patali rito.
Ang siste, in love raw siya noong mga panahong iyon kaya nanaig ang kanyang puso.
Sa kanyang pagbabalik-tanaw, aminado rin siyang may mga nakatrabaho na siyang minaliit ang kanyang kakayahan at pagkatao.
Toxic din daw niyang maituturing ang pagtratrabaho ng mahaba ng oras kaya naisip niyang sukuan ang pag-arte.
Hindi rin niya ikinaila na may nasabihan na siyang katrabaho na hindi niya type ang amoy.
Gayunpaman, nasabi raw naman niya ito sa paraang frank but less offensive.
Recently, sighted naman si Ellen kasama ang ex na si John Lloyd Cruz sa kanilang bonding moments kaya naman umugong ang balitang may gagawin silang sitcom together.
Minsan na ring spotted na magkasama ang dalawa kasama ang executive ng GMA-7.