Advertisers

Advertisers

Nalunod na pangarap!

0 3

Advertisers

Si Rene Baterbonia ay isang 19 años na 6’4 forward- center ng Ateneo High School sa siyudad ng Davao.

Ang tubong Agusan del Sur na basketbolista ay naging MVP ng Palarong Pambansa at may mga humuhulang malayo mararating.

Pangarap niyang mapaganda ang buhay ng pamilya sa pamamagitan ng paglalaro.

Noong isang linggo ay iniwan niya ang probinsiya upang makipagsapalaran sa Maynila.

Na-recruit nina Coach Tab Baldwin ng ADMU at nagsimula na siya ng praktis kasama ang buong koponan.

Pero noong Lunes ay naglaho na ang pangarap ni Rene. Inanod ng Pacific Ocean sa lalawigan ng Quezon. Nakasabay pa sa araw na iyon ang 6’8 na lindol sa Mindanao at ang malaking sunog sa Davao Convention Center.

May mga kumalat na mga balita na parang boot camp o military style ang team building na naganap.

Ayon sa ilang player na sumailalim na sa naturang training ay mahigpit si Coach Tab at matindi ang mga aktibidad. Maaga ang gising. Takbo sa buhangin at langoy sa dagat. Ni wala nga raw basketball na mga drill doon.

Sa kasawiang palad ay hindi kinaya nina Baterbonia at kakamping Nigerian na si Divine Alipi ang malalaking alon ng dagat. Sinubukan naman silang sagipin nguni’t huli na.

Siyempre masama ang loob ng mga kaanak lalo na ng ina.

“Kung alam ko lang na ganyan sasapitin ng anak ko ay hindi ko na siya pinayagan,” wika ni Mrs Rovelyn Baterbonia.

Nagluluksa ang buong cage community.

May mga nanawagan ng masusing imbestigasyon kahit ayon sa PNP ay aksidente iyon at walang foul play.

May isang opisyal ng PBA ang naghayag na kailangan may managot sa pangyayari.

May gusto rin mapatalsik ang mentor at manager ng team.

Naalala tuloy ni Ka Berong nang mapuwersang sipain noon ng UST ang coach nitong si Aldin Ayo. Kasi lumabag sa pandemic protocol ang training ng Growling Tigers sa Sorsogon.

Dito sa kaso ng ADMU ay dalawa ang namatay kaya mas malaking balita at apektado masyado mga tao

Iba’t-ibang ahensiya na rin ng pamahalaan ang pumasok sa eksena.

Sana magbunga ito ng positibong mga hakbang para hindi na maulit ang trahedya.

***

Malas si Donald Trump sa pagpapakita niya bilang Pangulo ng Estados Unidos sa Game 3 ng NBA Finals.Na-boo si Trump sa Madison Square Garden tapos naolat pa ang Knicks.

” Dapat lang talaga mahiyawan ang mayabang na lider,” eka ni Tata Selo na may kapatid na naninirahan sa New York.

Nakabawi naman sina Jalen Bronson nang daigin nila sina Victor Wembamyama sa Game 4. Akalain nyong nahabol pa sa dulo ang 29 puntos na lamang ng San Anronio.

***

Abangan ang tatlo sa PBA MotoClub sa OKS sa Lunes.

Makakasama natin sina Rico Maierhofer, Ryan Araña at Jerwin Gaco sa ating programa sa DWBL 1242 khz. May streaming din sa YouTube at Facebook mula 4 hanggang 5 PM.

Nasa Europa ang tropa ngayon para sa mga exhibition game nila sa UK, Ireland at Poland.