Advertisers

Advertisers

50 ‘INDIAN STAR TORTOISES’ NAHARANG SA BOC-PORT OF NAIA

0 5

Advertisers

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang 50 buhay na Indian Star Tortoise na nakatago sa bagahe ng isang pasaherong Malaysian matapos siyang dumating sa Arrival Customs Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal noong Biyernes, June 12, 2026.



Sa ulat, nagsimula ang interception nang magsagawa ang Customs examiner ng regular na x-ray screening sa mga bagahe ng pasahero at nakita ang mga kahina-hinalang laman. Isang kasunod na manu-manong inspeksyon sa BOC Inspection Room ang humantong sa pagkakatuklas ng 50 buhay na Indian reptiles.

Agad na nagbigay ng perimeter security ang mga tauhan ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP), NAIA Police Station 1, at tumulong sa paunang imbestigasyon. Naabisuhan din ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at agad na rumesponde sa pinangyarihan.



Sinabi ng mga awtoridad na ang pasahero ay dumating sakay ng eroplano mula sa Bangkok, Thailand. Nang hingin na ipakita ang mga kinakailangang permit at dokumento sa transportasyon para sa mga specimen ng wildlife, nabigo siyang magbigay ng anumang dokumento.

Ang mga nailigtas na reptiles ay dinala sa DENR para ilipat sa Wildlife Rescue Center sa Quezon City para sa wastong pangangalaga at disposisyon, habang inihahanda ang mga naaangkop na kaso laban sa suspek para sa umano’y paglabag sa R.A. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) at R.A. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act). (JOJO SADIWA/JERRY TAN)