Sa Pag-aaproached Sa Kanyang I-Revive Ang “Joke Lang” Ni Timmy Cruz! Rozz Daniels, Happy At Flattered Sa Tiwala Sa Kanya Ni Iconic Composer Doc Mon Del Rosario
Advertisers
By Peter S. Ledesma
Beautiful day, para sa maganda at mahusay na singer na si Rozz Daniels, nang mag-chat, recently sa kanya ang famous composer na si Doc Mon Del Rosario na itinuturing na friend ni Rozz. Well, ayon pa sa kilalang Pop Rock Diva at Independent Concert Queen(Rozz) ng bansa. Inapproach siya mismo ni Doc Mon at gusto nito ay siya ang mag-revive ng “Joke Lang” na ginawa ng said veteran composer noong 1987 para kay Timmy Cruz. Nang marinig ito ni Rozz ay happy at flattered siya na after niyang mag-revived ng “Bulong Ng Damdamin” na mula pa rin sa komposisyon ni Doc Mon. Muli ay pinagkatiwaalan siya nito na mag-record ng Joke Lang. Pero bago pa ang alok na ito ni Doc Mon kay Rozz na para mag-revive nga ng said song. Napag-usapan na namin ito ni Rozz, sa aking Live Solo Showbiz Vlog sa PPA Entertainment Network, kung saan ay guest namin siya, via Video Call. Naitanong ko kay Rozz dahil gusto ko ang version niya ng Joke Lang, na sobrang ganda. Kung nagbabadya bang i-revive niya ang Joke Lang sa 2027. Say pa ni Rozz, ay hindi niya pa ako masasagot sa tanong ko na yan. But according to her noong magkakilala sila ni Doc Mon, ay inalok na sa kanya nito angJoke Lang. Pero mas pinili nilang unahin ang “Bulong Ng Damdamin.” Soon, ay magre-recording na si Rozz ng Joke Lang, under the supervision of Doc Mon.
Well, bukod sa Bulong Ng Damdamin at My One Love On Christmas Day, ay sabay na ring ipo-promote ni Rozz ang Joke Lang. So bale tatlong songs na ang kanyang ipo-promote ngayong 2026. At yung version ni Rozz ng Joke Lang ay babaguhin ang areglo nito na ibabagay sa GEN-Z’S. Samantala dahil tatlo na ang kanyang revival songs kasama ang “Ibang-Iba Ka Na” ni Renz Verano ay pwede ng tawagin o bansagang “Revival Queen” si Rozz bukod pa riyan ang mga titulong ” Pop Rock Diva at Independent Concert Queen na hawak lahat ni Rozz. Excited na si Rozz para sa mga gagawin sa kanyang major Promo. At dalawa sa guesting niya para sa month ng June, 2026 ay nasa NET 25 siya sa June 19 at ngayong June 20 ay si Rozz ang very special naming guest sa Radio Weekend Chika Vlog namin ni Teacher Pete Ampoloquio sa DWIZ(882 AM Band) ALIW BROADCASTING CORP. Mapapakinggan at mapapanood ang aming show Mon to Fri at 8:00 to 9 PM. May gagawing Concert rin ang ating Revival Queen na si Rozz Daniels. At makakasama niya rito ay Singer-Actor na si Gerald Santos at ang social media influencer na si Jovan David. Silang tatlo ang mga bibida sa “Meet The Stars Concert” sa July 15 sa Music Box at 8:00 PM. Si Direk Benny Andaya ang director ng concert na ito.