Advertisers
By Beth Gelena
Kaa-announce lang na may girlfriend na itong si Enrique Gil na isang non-showbiz partner.
Heto at nabalitang nagdadalang-tao na raw ang girl.
Malapit na raw maging ama ang aktor matapos lumabas ang mga ulat na nagsasabing buntis ang umano’y non-showbiz girlfriend niya.
Nagsimula ang espekulasyon bilang isang blind item at noong una ay hindi gaanong nabigyan ng pansin ng media, dahil marami pa rin ang naniniwala na ang aktres na si Liza Soberano ay nananatiling espesyal na tao sa buhay ng aktor.
Naging mainit ang usapin matapos itong talakayin ng talent manager at entertainment commentator na si Ogie Diaz sa kanyang vlog na kasama sina Mama Loi at Tamerlane Mopia.
Ayon kay Papa Ogs, isang source ang nakipag-ugnayan sa kanya tungkol sa bagay na ito, kaya naman siniyasat niya ang reklamo.
“Baka isipin sinisiraan namin. Magtatanong lang din kami kung gaano ito katotoo na hindi ko rin masagot.”
“May nagtatanong na rin sa akin, pero may nagsabi na ‘Ogs, paki-research mo nga kung totoong magiging tatay na nga si Enrique Gil?”
Ayon pa umano sa source, ang babae, na hindi bahagi ng entertainment industry, ay sumailalim kamakailan sa ultrasound examination.
“Yan lang ang ipinarating sa amin ng aming source na magiging tatay na si Enrique dahil nga ‘yung babaeng non-showbiz ay nagpa-ultrasound at sa ultrasound ang nakalagay ay positibo.
“Ano naman kung magiging sila, e, 34 na si Quen, pero alam mo, questionable pa rin ito or baka ayaw muna nilang i-announce.
“Tinanong ko yung source ko kung paano niya nalaman si Quen. sinamahan nga magpa-ultrasound pero hindi bumaba ng sasakyan si Quen.”
Sa kabila ng mga paratang, wala pang konkretong ebidensya na
Iniharap upang kumpirmahin ang tsismis.
Sa ngayon, hindi pa hayagang tinatalakay ni Enrique ang isyu, at wala pang opisyal na pahayag mula sa kanyang kampo tungkol sa umano’y pagbubuntis.
Hindi pa beripikado ang ulat, at patuloy na naghihintay ang mga tagahanga ng paglilinaw mula mismo sa aktor.