Advertisers
By Beth Gelena
Ipinagtanggol ng Sparkle GMA Artist Center ang kanilang talent na si former beauty queen, Bianca Manalo sa kumakalat na isyung siya umano ang dahilan ng pagkakalabuan ng isa ring beauty queen na si Celeste Cortesi at ng magiging ama ng anak nito.
Kesyo ‘inaahas’ umano ni Manalo ang partner ni Celeste na ngayon ay buntis sa guy.
Pinabulaanan naman ito ng home studio ni Bianca kung saan naglabas pa sila ng official statement.
Ayon sa anunsiyo: “on behalf of our Sparkle artist, Bianca Manalo, we would like to clarify that there is no truth to rumors circulating about her involvement with another couple. She is single and not in any relationship. We hope this settle the matter and not we all to continue the spread and click kindness instead.”
Komento ng netizens, “Okay sabi mo eh…,” na tila may nalalaman sa isyu.
Nabuksan tuloy ang naging relasyon ni Bianca kay Senator Wil Gatchalian.
“Alam na this kung bakit hindi nag i do yung Senador”
“malilimutan ba ni Sen si Rob G?”
“hahahahahaha… Ok…kwarenta na yan laging laman ng BI pa din*
“Bakit kailangan pa ng official statement? Para mapag-usapan? Charot!”
“pag naglabas ng ganyan ang isang company means warning yan nakakasuhan ang mag lalabas ng libelous post and articles”
“Saan yung statement nila sa Sparkle artist na Taga Guam na Halfie??”
“Kaya ka iniwan ni Sen eh”
“sabik na sabik na siyang ikasal kay Sen pero pasensya na waleyyy.”
“Anong meron jusko Hindi ako updated sa mga ganap about niya.”
“Naghiwalay na sina Celeste Cortesi at ang kanyang kasintahan habang buntis. Diumano’y iniwan ng lalaki si Celeste para kay Bianca. Ganern!”
“Hindi pa naipanganak eh broken family na agad, saklaaap”
Sey naman ng isang commenter, “bakit kailangan maglabas ng statement, sikat pa ba siya?, bata pa ba?, cougar na yan noh? Alam niya ang tama at mali.”