Advertisers

Advertisers

Deaño sasabak para sa ABF super feather title

0 4

Advertisers

MULING lalaban si FEATHERWEIGHT Alfred “Destroyer” Deaño mula sa Lungsod ng Davao sa Bangkok laban kay Jirapan “Chilaphan Cawhayong” Nakornluan ng Thailand para sa Asian Boxing Federation [ABF] super featherweight title sa Hunyo 27 sa World Siam Stadium.

“My opponent is also strong. We just need a little patience in practice,” Wika ng 35-year-old Deaño [13-1-2, 10KOs].

Deaño ay kasaluku-yang nagsasanay sa LA Gym sa Maysilo, Malabon sa ilalim ni Coach Rene Toto Bañarez.

“We need focus so we can get the championship belt,” tugon ni Deaño.

Kamakailan lang, nag-abot sa split draw si Deaño laban kay Kaishu Harada noong Abril 5 sa Sangyo Shinko Center sa Osaka.

Natalo siya kay ZhiGang Zhang mula sa China sa pamamagitan ng split decision para sa bakanteng titulo ng WBC Far East super featherweight noong Disyembre 28, 2024 sa Wuyuan River Stadium sa Haikou.

Deaño ay aalis sa Hunyo 24 kasama ang kanyang asawa Jessebelle “Jazzy Jezzy” Pagaduan at trainer Baña-rez.

Pagaduan [14-3-1, 5KOs] ay isa ring light flyweight boxer mula Benguet.

Sa kabilang banda Nakornluang [14-1-0, 10KOs], tinalo si Nathan Bokin by a unanimous decision nakaraang Oktubre 10 para maangkin ang WBC Youth Intercontinental featherweight title.

Nalasap niya ang retirement sa kababayan Phisit Paochanthuek nakaraang Pebrero 28 sa Bangkok.

Ang boxing eventay tinaguriang “Warrior Showdown”.