Advertisers

Advertisers

PLANO NI GOV. BONZ DOLOR NA GAWING PREMIER ECO-TOURISM DESTINATION ANG NAUJAN LAKE, BINATIKOS

0 4

Advertisers

Nakatakdang baguhin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang Naujan Lake, ang ikalimang pinakamalaking lawa sa Pilipinas, sa isang pangunahing destinasyong eco-tourism na naglalayong palakasin ang turismo at paglago ng ekonomiya sa lalawigan.

Inihayag ni Gov. Humerlito “Bonz” Dolor sa publiko ang isang video presentation ng iminungkahing Naujan Lake Tourism Development Project, na magpapakita ng iba’t ibang atraksyong pan-turista sa mga munisipalidad ng Victoria, Socorro, Naujan, at Pola na nakapalibot sa lawa.

Ayon sa mga taga Oriental Mindoro napakaganda ang naging video presentation at mga pangakong trabaho at kaunlaran sa pero kailan raw maaayos ni Gov. Dolor ang problemang patay-sinding kuryente na nararanasan ng mamamayan araw-araw.

Habang pinag-uusapan ang turismo, maraming lugar sa Oriental Mindoro ang nakakaranas ng madalas na brownout na umaabot ng 3 oras hanggang 12 dalawang oras kung minsan magdamag na walang kuryente.

Habang nangangarap ang gobernador ng pagdagsa ng mga turista, patuloy namang naghihirap ang mga residente sa brownout, baha at napakataas na pamasahe sa barko.

Habang ipinapakita ang mga magagandang plano sa hinaharap, patuloy naman na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at pagkain maging ang produktong petrolyo.

Hindi raw masama na mangarap ng malalaking proyekto.
Pero dapat mas nauuna umano ni Dolor ang mga problemang matagal nang hinihintay ng mamamayan na mabigyan ng solusyon.

“Ang turismo po ay hindi nagsisimula sa magagandang slogan o presentasyon. Nagsisimula ito sa maayos na serbisyo, matatag na kuryente, maayos na transportasyon, at isang mamamayang hindi nag-aalala araw-araw kung paano pagkakasyahin ang kanilang kita”.- wika ng isang galit nag alit na konsyumer

PAHAYAG NI ORMECO GM DOLOR NA SIMULA JUNE 15, WALA NG BROWNOUT, UMANI NG IBAT-IBANG REAKSYON SA SOCIAL MEDIA

Samantala naging usap-usapan sa social media ang naging palitan ng tanong at sagot sa pagitan ni Vice Governor Jojo Perez at ORMECO General Manager Humphrey Dolor kaugnay ng nararanasang rotational brownout sa Oriental Mindoro.

Sa isang pagdinig, diretsahang tinanong ni Vice Governor Perez.

VG. Jojo Perez: “Hanggang kailan pa mararanasan ng mga consumer ang rotational brownout.”

GM Dolor: Sagot ni ORMECO GM, “Hanggang June 15 po, Your Honor.”

Dahil dito, mabilis na kumalat ang naturang pahayag sa social media at nagdulot ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizen.

May ilan na umaasang magtatapos na nga ang rotational brownout pagsapit ng Hunyo 15, at tuluyan nang magiging normal ang suplay ng kuryente sa lalawigan.

Subalit may mga netizen din na nagpahayag ng pagdududa at nagsabing hindi na sila basta naniniwala sa mga pangako o pahayag ng pamunuan ng ORMECO dahil sa mga nakaraang karanasan sa problema sa suplay ng kuryente.

May ilan pang nagbiro at nagsabing huwag munang umasa nang lubusan dahil bagama’t nabanggit ang petsang June 15, wala naman umanong binanggit na taon kung kailan eksaktong matatapos ang rotational brownout.

Hanggang kailan magtitiis ang mga taga Oriental Mindoro sa walang kasiguraduhang suplay ng kuryente, brownout, at pahirap na sitwasyon araw-araw.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com