Advertisers
“MAN up.”
Ito ang panawagan ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Major General Robert Morico II, kay dating Ateneo men’s basketball head coach Tab Baldwin, kaugnay ng imbestigasyon sa pagkasawi nina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sa isang press briefing nitong Miyerkoles, sinabi ni Morico na inaasahan nilang haharap si Baldwin at iba pang miyembro ng coaching staff sa Huwebes o Biyernes, kasunod ng muling pagpapadala ng subpoena.
Ang imbestigasyon ay kaugnay ng insidente noong Hunyo 8 sa Dipaculao, Aurora kungsaan nalunod ang dalawang Ateneo basketball players sa isang “team-building” activity.
“Man up. Be man enough to face the investigation in the interest of justice and equity para doon sa dalawang players, which you call your brothers,” ani Morico nang hingan ng mensahe siya para kay Baldwin.
“If you’re talking about the battlecry of BEBOB [Blue Eagles, Band of Brothers], hindi ka tatalikod. Help us also. Help the family attain justice,” dagdag pa niya.
***
Team-building sa Aurora walang basbas ng Ateneo Office of College Athletics
IGINIIT ng Ateneo de Manila University Office of College Athletics (OCA) na wala itong naging papel sa pag-oorganisa o pag-apruba sa team-building activity ng men’s basketball team sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8 na nauwi sa pagkamatay sa pagkalunod ng mga manlalarong sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sa town hall meeting sa Katipunan campus, sinabi ni OCA representative Benjo Afuang na hindi kailanman dinala sa kanilang tanggapan ang aktibidad para sa pag-apruba sa kabila ng mga tanong hinggil sa pagsunod nito sa safety at consent protocols para sa off-campus activities.
“What was the role of the university athletics in approving the team-building? The answer is none… It was asked if the university athletics knew about it, if it was brought to them, and if they [sought] approval. The answer is no,” ani Afuang.
Samantala, nilinaw ni Ateneo de Manila University President, Fr. Bobby Yap, SJ, na ang Blue Eagles basketball team ay pagmamay-ari at pinamamahalaan parin ng Ateneo.
“So MVP (Manuel V. Pangilinan), the foundation supports it like as a patron but it’s owned by Ateneo,” ani Yap.
Ito ay matapos sabihin ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na nakatanggap ito ng impormasyon na umano’y nagsasarili ng ope-rasyon ang koponan at pinatatakbo ng isang foundation na kaugnay ng Smart Communications.
Nilinaw naman ng MVP Sports Foundation na naka-tuon lamang ito sa pagbibigay ng pondo at hindi saklaw ang pamamahala, recruitment, coaching, o player development ng koponan.
Kinumpirma rin ni Yap na nakatanggap siya ng subpoena at haharap sa mga imbestigador sa Biyernes. Aniya, hihintayin muna ng unibersidad ang resulta ng independent fact-finding body bago magpasya sa posibleng disciplinary action laban sa mga opisyal.
Nauna nang tinanggap ng Ateneo ang pagbibitiw nina Blue Eagles head coach Tab Baldwin at team manager Epok Quimpo.
Nang tanungin kung dapat ba siyang bumaba sa puwesto bilang pangulo ng unibersidad kasunod ng trahedya, sinabi ni Yap na hindi pa niya ito nabibigyang pagninilay dahil nakatuon pa ang kanilang atensyon sa pagtulong sa mga pamilya nina Baterbonia at Adili at sa mga nakaligtas na manlalaro.
“Right now, Divine’s body is still here, we’re still dealing with the Baterbonias, we’re still helping, we’ve been talking to the Adili family… I talked to my provincial, I followed his order. At a certain point, I will face that question, but what I’m saying is I can’t make that dramatic move now because there are so many things going on,” aniya.
Humingi rin ng paumanhin si Yap sa naging paraan ng komunikasyon ng unibersidad sa panahon ng krisis at ina-ming mas nakatuon sila sa pagbibigay ng suporta at tulong kaysa sa pagpapaliwa-nag sa publiko.
“In hindsight, this was mali… Hindi lang dapat pastoral (care) kasi ang lakas ng social media. Yun pala kaila-ngan sinusuri din natin yan, yung communication, etc,” dagdag niya.
***
Baldwin haharap sa NBI sa Biyernes – Matibag
NAKATAKDANG humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Biyernes, Hunyo 19, ang nagbitiw na Ateneo Blue Eagles head coach na si Tab Baldwin, ayon kay NBI Director Melvin Ma-tibag.
Sinabi ni Matibag na “very satisfied” ang ahensya sa tugon ng Ateneo de Manila University sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng pagkasawi nina basketball players Rene Baterbonia at Divine Adili.
“We are very satisfied with the response ng Ateneo team, ng community because ‘yung mga sinubpoena naman namin, dumara-ting. If not, they will send a lawyer, leave us a message,” ani Matibag.
Dagdag niya, hindi pa matatapos sa Biyernes ang imbestigasyon. Nagsabi aniya si Baldwin na haharap siya sa NBI sa naturang araw.
Samantala, nilinaw ni Ma-tibag na hindi makaaapekto sa imbestigasyon ang pagbibitiw sa puwesto ni Baldwin.
***
Teammates nina Baterbo-nia, Adili nagpakita sa PNP
NAGDATINGAN na ang mga current player ng Ateneo Blue Eagles sa tanggapan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) nitong Miyerkules, Hunyo 17.
Sinubpoena ng CIDG ang mga nasabing player upang magbigay-linaw sa naganap na pagkalunod ng dalawa nilang teammate na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa isinagawang team building sa Dipaculao, Aurora.
Pitong basketball players na ng Ateneo Blue Eagles ang kumpirmadong dumating na sa CIDG.
Matatandaang nauna ng inimbitahan ang mga dating player ng team kungsaan maghapong nag-usap ang mga ito at si CIDG Director, Major General Alexander Morico II, nung Martes (Hunyo 16).
Hindi pa inilalabas ng CIDG kung ano ang napag-usapan nila at tatapusin muna ang kanilang mga panayam bago magsagawa ng press briefing.(Mark Obleada)