Advertisers

Advertisers

Enrique, dedma sa buntis isyu

0 13

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Tila dedma si Enrique Gil sa kumakalat na tsika na magiging ama na ang aktor.

Naging subject ito ng tsikahan sa vlog ng vlogger na dating talent manager ng ex niyang si Liza Soberano.

Ayon pa sa tsika niya, hindi raw boto ang parents o kampo ni Enrique sa babaeng ‘nabuntis’ nito.

Pero habang hindi nagsasalita si Enrique ay ayaw naman siyang tantanan ng mga katkatera at sawsawera hinggil sa isyu.

May nang-iintriga pang kaya nananahimik ang aktor ay dahil takot itong maapektuhan ang ginagawang serye kung saan ibinibenta ang tambalan nila ni Andrea Brillantes.

Ito ang ilang hirit ng kibitzers.

“Hello, eh, ano naman kung nakabuntis siya.He’s already 34.”
“Parang sobrang in lab si Quen sa girl.”
“Tameme siya sa isyu dahil may serye siya with Blythe.”
“Kailan pa siya aamin o magsasalita?”
“So hindi pala boto ang family ni Quen sa girl.Paano na iyan?”
“Hindi naman ang family ni Quen ang makikisama kundi siya.Quen is now of legal age.Di na need ng parental consent if he wants to settle down.”

Bukas naman ang pitak na ito sa panig ni Enrique sa ikalilinaw ng isyu.