Advertisers

Advertisers

Janine Gutierrez target makagawa ng proyekto na mapapanood din sa ibang bansa

0 3

Advertisers

By Anne Venancio

Aminado si Janine Gutierrez na target niyang makagawa ng mga proyekto na hindi lamang sa Pinas mapapanood kundi maging sa ibang bansa at makasali sa mga international film festival.

Para sa aktres, mahalaga ang papel ng lokal na industriya sa pagpapakita ng kulturang Pilipino sa global audience, bagay na lalo niyang na-appreciate sa mga proyektong tulad ng The Loyalty Game, na kinunan sa Iloilo at Bacolod at tampok ang mga heritage location sa Visayas.

Ibinahagi rin niya ang paghanga sa kalidad ng mga lokasyon at kuwentong Pilipino na aniya ay may world-class potential.

Dagdag pa nito, marami pa siyang gustong gawin bilang artista.
“Super dami pa ng gusto kong gawin,” aniya pa.

Dream din nitong subukan ang historical at fantasy roles, pati na ang pagkakataong makapagtrabaho sa international productions at makatrabaho ang iba pang kilalang artista na sina Sharon Cuneta, Anne Curtis, Joshua Garcia, at Belle Mariano.