Advertisers

Advertisers

LELLA FORD NAIWANAN NI CAPRICE

0 3

Advertisers

By Dominic Rea

Magbubukas na sa mukha ng telebisyon next week ang isang seryeng pang-hapon na pagbibidahan nina Caprice Cayetano at Heath Jornales sa bakuran ng Kapuso Network. Ito ay ang GEN Z series na may titulong ‘ You’re My Favorite Song ‘. Si Caprice ang naging big winner kamakailan ng PBB Collab Celebrity edition para sa Kapuso Network.

Si Heath naman ang naging 2nd placer that edition. Now that nagi-enjoy na ang dalawa taping para sa kanilang serye, marami naman ang nagtatanong ngayon kung ano naman daw ang magiging first project ni Lella Ford na big winner naman from Kapamilya. Ayon pa sa aking nakausap, may nilulutong serye for Lella sa bakuran ng Kapamilya pero hanggang pagluluto palang naman daw ito. Hindi tuloy maiwasang sabihin ng iba na mas celebrated ngayon ang pagkapanalo ni Caprice dahil agad-agad ay isang magandang project ang kanyang nasungkit sa bakuran ng kanyang mother network. Kinawawa raw ni Caprice sa kasikatan si Lella at nakikita daw ng fans na maiiiwanan na nito sa biyahe si Lella Ford. Baka naman nananahimik lang ngayon si Lella at pasabog naman ang kanyang pag-ariba? Hindi kaya? Well, let’s see!

DANIEL AT KAILA SWEETNESS OVERLOAD?

Naku! Tigilan na yang sweetness overload eme about Daniel at Kaila. Siyempre, mag-jowa sila kaya naman kapag lalabas yan ay sweetness talaga ang ipapakita nila sa ating makakakita sa kanila nph! Alangan namang sungitness ang drama nila! Obcourse, the fact na lovers sila, ayan, siyempre, sweet ever eme! At saka, they should enjoy everything dahil mag-jowa sila at masaya sila together.

The fact na wala namang balakid sa kanilang pagmamahalan, like Karla na kung saan masayas ang anak ay masaya na rin siya at si John Estrada na nagsabi na rin lately na masaya rin siya sa lovelife ni Kaila! Alam mo naman sa showbiz, lahat nakikita! Kaya careful lang din siguro ang dalawa na tuwing naga-out for whatever sila ay dapat nakikita ng madlang pipol that happy sila together at nagmamahalan sila!