Advertisers
By Anne Venancio
Inamin ng Optimum star na si Claudine Barretto ang panandaliang closeness nila ng kapatid ni Korina Sanchez na si Milano Sanchez.
Aniya, hindi ito umabot sa seryosong relasyon.
“Hindi naman siya relasyon talaga. Parang one month lang, getting to know stage lang,” paliwanag ng aktres.
Mas nanatili ang kanilang koneksyon bilang magkaibigan kaysa bilang magkapareha. hh=indi rin nagtagal ang kanilang paglapit dahil magkaiba ang direksyon ng kanilang mga buhay.
“Okay kami as friends, pero iba talaga ‘yung mundo namin kaya hindi rin siya tumagal,” aniya.
Paalala nito, “Kapag vulnerable ka, huwag basta nagpapadala.”
Sa ngayon, masaya siya sa muling pagsasama-sama ng Home Along Da Riles cast, na patuloy na nagbibigay sa kanya ng magagandang alaala sa kanyang karera bilang artista.