Advertisers
MARIING itinanggi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na mayroon ng lumabas na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Christopher ‘Bong’ Go at dating dalawang police.
Ayon sa Kalihim na wala pang natatanggap ang mga otoridad na mga dokumento mula sa ICC laban sa Senador at mga kapulisan.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagbubunyag ni Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte sa kaniyang social media na mayroon itong reliable source na may lumabas ng ICC warrants laban kay Go at mga kapulisan.
Kinuwestiyon din ni Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ginagamit ang ICC laban sa kanilang mga kalaban sa pulitika.