Advertisers
Matapos ang gulo sa Senado – – – na nagsimula sa pinaka-maigsing panunungkulan ng isang Senate President sa Kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas, tinanggap ng umaming talunan na wagi ang grupong mayorya ni Senator Win Gatchalian! Masaklap at mapait ang realidad — tapos na ang termino ni Alan Peter Cayetano!
Ngunit ang bloke ni Cayetano na pilit pa ring nangungunyapit sa “makapangyarihan” niyang upuan at bukod tanging siya na lang ang hayagang opositor na kilalang “alaga” ng Duterte-Cayetano bloc ay di pa rin nagpapatinag. At nitong huli, si Rodante Marcoleta ay nakipagbangayan na naman sa paborito niyang si Senator Ping Lacson sa isang Commission on Appointments session kung saan di na napigilan ng huli na sabihan ang tinaguriang “maverick” daw ng minorya : “Ano siya hilo?”
Tutuong maraming nabinbing trabaho ang Senado mula nang si Cayetano ay naging Senate President. Dahil sa isang coup na napatalsik si Senador Tito Sotto na ang highlight ay ang pagsipot ni BATO dela Rosa sa isang special session na nauwi sa botohan na ipinanalo ni Cayetano. Naging masalimuot at napakagulo ng Senado…”never in my almost 80 years of human existence did I see a chaotic political activity next to the Presidential Proclamation 1081 in September 1972 — the deposed PFEM’s declaration of Martial Law!”
Si Marcoleta ang pinili Cayetano na mamuno ng makapangyarihang Blue Ribbon Committee for a short while … “makapangyarihan siya at halos lahat ng isiwalat ng bibig nya ay walang sumasalungat o sumasansala!” Sa maikling turnong ito ginamit ni Marcoleta ang komite sa pagpapaigting ng interest ng Cayetano-led Senate. Di naglaon nasuya at nayamot na rin ang mamamayan dahil walang solidong trabahong masasabing nagawa ang Cayetano led-Senate. Maraming nabalahong agenda na dapat aksyunan at isa na rito ang kompirmasyon ng mga Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ilang foreign service personnel, na nitong huli ay isinugo ni Lacson na dapat nang tapusin at bigyang katuparan at pagkilala sa mga serbisyo ng unipormadong Sandatahang Lakas na nagsuong ang kaisa-isang buhay para sa ating kaligtasan at kasarinlan!
Tulad ng nakaraan niyang estilo tuwing may pulong o session, ang pagkontra ni Marcoleta at ipilit na “lipas na ang kompirmasyon ito ng mga Heneral ng AFP at Foreign Service”… naging mainit na naman ang bangayan nila ni Lacson na ang katwiran ay hindi pa nga ito natatalakay sanhi ng magulo at nakalilitong set-up ng Senado. Bilang dating nasilbing 4-star general (sa PC at PNP) alam ni Lacson na ang kabuuan ng serbisyo ng mga unipormadong military at pulis ay ang pagkilala ng sambayanan sa pamamagitan ng Senate confirmation ng kanilang serbisyo.
Tipong ang nagdaang yugto ng kanilang pagpapalitan bilang makapangyarihang BRC chair ay nagaalab pa rin ang baga—hanggang nito ngang huli, ang yamot at suya nila ay nauwi na sa palitan ng masasansang na salita na, sa salitang kalye e “nagkaasaran na o nagkapikonan na”. E sino nga ang di mapipikon sa tigas na ipilit sa sa iyo ang mali—na saan mang anggulo mo tignan ay tama? Yan ang basa at tingin ng maraming sumusubaybay sa mga “in and out” ng “what and wherefores” sa Senado!
Isa lang ito sa mga huling kaganapan…nauna na rito ang pagkainis at mapait na kumento ni Pia Cayetano sa isang ambush interview sa Senado na umani ng puna at batikos na sanhi ng mga narinig na “sour” o mapakla niyang sagot — na alalalong baga’y balot ng galit ng damdamin sa agarang pagkakatalsik sa puwesto niya bilang bagong talagang BRC chair. “Common Sense!” – another viral word of day courtesy of Pia Cayetano.
Ang pinakamalalalang naganap sa Senateflix series na nag-viral lately ay ang walang kagatol gatol na kumento nitong Marcoleta sa isang televised session: “na may mga bayarang media (men) na tunay na ikinagalit ng Senate beat. Isang di inaasahang pagyurak at dagok sa profesyon ng pamamahayag ang buod ng damdamin ng mga tauhan ng tri-media gayundin ang social media.
Ito ang paglalarawan ko ng mga kaganapan—na sa tanang buhay ko ay di maiwasang ibalik tanaw ko ang himatong ng nasirang Emmanuel PELAEZ, ISANG PINAGPIPITAGAN SENADOR NG PILIPINAS: WHAT’S HAPPENING TO OUR COUNTRY , MISTER PRESIDENT?