Advertisers

Advertisers

Pre-trial conference ng impeachment trial ni VP Sara tinapos na

0 166

Advertisers

TINAPOS na nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 25 ang pre-trial conference para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Kaugnay nito ay natapos na rin ang pagmamarka ng mga ebidensya at exhibits ng Article 1 at Article 2 tungkol sa mga reklamo ng hindi tamang paggastos sa confidential funds at hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara.

Bumilis ang proseso mula noong Miyerkules hanggang kahapon matapos na magdagdag ng mga marking stations para sa pagmamarka ng libo-libong ebidensya.



Inilabas na rin ang mga kahon-kahon at male-maletang mga dokumento at ebidensya ng parehong prosekusyon at depensa.

Sunod na ihahanda ng impeachment court ang pre-trial order na kokomentuhan naman ng prosekusyon at depensa sa loob ng 3 araw.



Dahil pasok sa schedule, tuloy pa rin sa July 6 ang impeachment trial.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">