Advertisers

Advertisers

GOBERNADOR NG MINDORO AT MIMAROPA PNP, NAGBULAG-BULAGAN SA ILIGAL NA SUGAL?

0 14

Advertisers

LUMALABAS pala na walang silbi ang batas na Republic Act 9287 laban sa illegal gambling mula nang amyendahan ang Presidential Decree (PD) 1602 noong 2004 dahil sa wala pang naipakulong na mga protektor at gambling operator/lord sa bansa kaya dismayado ang mga nagrereklamo na sa kabila ng mataas na penalty sa mga gambling operators at protector nito, ay wala pang nakukulong kahit lantad ang iligal na sugal tulad ng jueteng at sugal lupa na pergalan (perya-sugalan) partikular sa lalawigan nina Oriental Mindoro Governor Humerlito ‘Bonz’ Dolor at Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano na nasa balwarte mismo nina Oriental Mindoro PNP Provincial Director PCol Edison Revita, Occidental Mindoro PNP Provincial Director PCol Ali Jose Duterte at PRO MIMAROPA Regional Director PBGen Christopher Dela Cruz.

Mabigat ang Republic Act (RA) 9287, Kaya ang tanong ng mga taga Mindoro kay Philippine National Police (PNP) Chief, Jose Melencio Nartatez, kung meron ng naparusahan sa batas na ito na itinaas ang penalty ng mga perpetrators ng illegal gambling.

Sa bagsik ng batas na ito na pinirmahan noon ng dating Pangulong na ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo, na ang mga mananaya ay maaaring makulong ng hanggang tatlong buwan habang 10 taong pagkabilanggo naman sa mga protektor.

Walong (?? taon na pagkabilanggo sa mga tauhan ng mga gambling operator/lord at kukumpiskahin ang bahay, gusali, sasakyan na ginagamit sa operasyon ng ilegal na sugal.

Makukulong din ng hanggang (12) taon ang maintainer, manager at operator ng ilegal na sugal; hanggang 14 taon naman sa mga financier o kapitalista at (20) taon sa kanilang mga protektor sa gobyerno.

Kapag public officials, elected man o appointed, ay tatanggalin sa puwesto at hindi na papayagang pumasok sa public service.

Ilang dekada na ang nasabing batas ngunit wala pang gambling operators/lord at protektor ang naipakukulong sa nasabing mga probinsya na nagtaas ng parusa sa mga sangkot sa ilegal na sugal.

Lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa pagsusugal o pagtaya gamit ang pera ay mahigpit na ipinagbabawal alinsunod sa PD 1602 na inamyendahan ng RA 9287.

Ang nakapagtataka lang sa kabila ng kaliwat kanan na reklamo at sa ginawa nating pagbubunyag sa pitak na ito maging sa programa natin sa DWBL 1242 kHz AM band Mega Manila at DWXR (KALAHI MO) 101.7 FM ay patuloy na nananahimik sina Gen. Dela Cruz, Col Duterte at Col Revita maging ang dalawang Gobernador kahit lantad ang pagpapataya ng mga kubrador ng jueteng at ang untouchable na operasyon ng mga sugal lupa na kung tawagin ay Pergalan (Perya-sugala) tulad ng ‘pulat puti, color games at drop ball baraha’ na ang front ay Peryahan na talamak sa Mindoro province.

Ayon sa reklamo mismong mga matataas na opisyal ng MIMAROPA PNP at maimpluwensiyang pulitiko ang bumabalewala at bumababoy sa PD 1602 at RA 9287.

Duda ng mga nagrereklamo, na nabili na ng mga bigtime at kilalang gambling operator na sangkot sa kalakalan ng droga ang “tsapa” ng ilang matataas na opisyal ng kapulisan ng MIMAROPA at prinsipyo ng ilang tiwaling pulitiko sa nasabing mga probinsya.

Take Note: hindi lang sugal ang lantad at talamak sa Mindoro province kundi maging ang mga patayan, nakawan at droga. Matatandaang nadiskubre kamakailan ang shabu lab sa bayan ng Puerto Galera Oriental Mindoro at bayan ng Looc, Occidental Mindoro na ayon sa mga residente nagiging “exit” at “entry” point ng kalalakalan ng iligal na droga ang naturang mga probinsya.

Sa totoong buhay isa sa mga dahilan kaya tumataas ang kriminalidad sa isang bayan, siyudad o probinsya ay dahil sa sugal at droga dahil pareho itong nakakaadik. Period!

Kapag patuloy na nagbulag-bulagan ang mga nabanggit na opisyal hindi imposible na magiging “sin province” ang lalawigan ni Gov Dolor at Gov Gadiano?

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com