Advertisers

Advertisers

Andrew E. hindi natinag sa higit 500 na rejections, pinarangalan ng Lifetime Achievement Award ng PMPC

0 12

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

ANG King of Pinoy Rap na si Andrew E. ay pinarangalan sa 17th PMPC Star Awards for Music. Pinagkalooban si Andrew ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award sa event na ginanap sa Teatrino, Greenhills last June 25, 2026.

Ang ilan sa pinasamalatan ni Andrew ay ang PMPC, sina RJ Jacinto and the Ventures na nagbukas ng pinto sa kanya sa showbiz, si Boss Vic del Rosario at buong Viva Records and Viva Films na ayon sa master rapper ay siyang gumawa sa kanya bilang Andrew E.

After pasalamatan ang iba pang mahahalagang tao, sinabi ito ni Andrew, “Of course siyempre, a big, big shout out sa ating Panginoon dahil Siya po ang talagang nagbigay sa akin ng lahat ng ito.”

Aniya pa, “Sa aking pamilya, sa aking wife na si Mylene, ‘Thank you so much,’ Fordy, Jassley, Ichiro, sa aking mga magulang and of course sa mga kaibigan, at sa inyong lahat, maraming-maraming salamat po.”

Sa nasabing event ay kinilala rin sina Ms. Celeste Legaspi para sa Pilita Corrales Lifetime Achievement Award at Mon del Rosario sa Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award.

Sa pagtatapos ng kanyang speech, ito pa ang mensahe ni Andrew.

“Kaya mga kaibigan, gawin nyo po akong salamin, sa lahat ng mga nandito, sa mga bagong artist, gawin nyo po akong salamin na iyong 500 rejection ay alintanang hindi ko inintindi, alitanang niyapos at nilagpasan, para lamang po ipakita na mayroon akong itinatagong talino, na siguro naman baka kapag makita ng mga tao ay matanggap…

“Always remember, na huwag nyo pong iintindihin lalo na ang mga taong nagda-down sa inyo. Ang intindihin nyo po iyong mga taong umaasa na balang-araw, ikaw ay magniningning sa larangan na ito. At sa pagningning mo ay mahahawakan mo ang kanilang mga kamay, upang sila ay akuin sa kanilang kinalalagyan, para makasama at maka-angkas sa iyo, sa iyong tagumpay. Maraming-maraming salamat po,” wika ng Pinoy rap icon.

Sa hiwalay na panayam, ito naman ang sinabi ni Andrew sa naranasang 500 rejections bago naabot ang tagumpay.

 

Aniya, “Hindi mo na kailangang bilangin, kasi in five years time, I was joining contest here and there for like three times a week, or even four times a week kung may pagkakataon. So, kung bibilangin mo na na-reject ako sa lahat ng three times and four times a week, suma-total in as much, it will total more than 500. So, imagine mo iyon, e wala naman akong ipinasa kahit isa, hindi ba?”

 

Sambit pa ni Andrew, “So for 500 rejections, naging kalakip iyon ng puso ko na hindi ko na kailangang bilangin pa, kundi ramdamin ko lang na each and everyday na nare-reject ako, and make me stronger and make me more determine to really do the challenge.

“Kasi for me, there’s no other way around, except to really go forward and move forward.”
-30-