Advertisers

Advertisers

PAGSS NAGWAGI NG 3 GLOBAL AWARDS MULA SA AIR FRANCE-KLM

0 52

Advertisers

Ang PAGSS (Philippine Airport Ground Support Solutions, Inc.) ay nagwagi ng tatlong (3) pangunahing global awards mula sa Air France-KLM . Ang mga ito ay iginawad noong Hunyo 2026 upang kilalanin ang kanilang kahusayan sa ground handling sa paliparan at serbisyo sa mga pasahero.

Kinilala ang kumpanya sa kanilang kahusayan ,kung saan tinanggap nina Janette Cordero, ang CEO at presidente, at Angelo Dyoco, ang SAVP for contracts and marketing, ang parangal sa ngalan ng PAGSS.

Bukod dito, nakatanggap din ang PAGSS ng mga sumusunod na parangal kamakailan:

Air France-KLM International Stations Social Award for Sustainability: Grand prize para sa pagiging “Best Handler,” “Most Employee/Partner Engagement,” at “Best Save-from-Bins”.

Japan Airlines (JAL): Pagkilala sa kanilang 10 magkakasunod na taon ng zero ramp incidents sa NAIA.

Qantas Airways: Pagkilala sa outstanding service delivery at exceptional operational performance.

Jiangsu Jingdong Cargo Airlines: Parangal para sa smooth launch at outstanding customer service.

Ayon sa PAGSS, ang Jiangsu ay nagpapatakbo ng serbisyo ng freighter mula Shenzen hanggang Maynila tuwing dalawang linggo, at ang Maynila ang napili bilang unang dayuhang negosyo ng JG sa labas ng Tsina. (JOJO SADIWA)