Advertisers
NAKABAWI ang Filipina tennis star na si Alex Eala mula sa pagkatalo sa unang set upang talunin ang Australian na si Maya Joint, 3-6, 6-2, 6-0, at makapasok sa third round ng Wimbledon Huwebes ng gabi (oras sa Manila).
Tinapos ni Eala ang laban sa pamamagitan ng sunud-sunod na aces, na ikinasiya ng mga Filipino na nanood sa All England Club Court 3.
Ang 21-anyos na No.29 seed ay nakabawi rin sa kanyang pagkatalo kay Joint sa Eastbourne final noong Hun-yo ng nakaraang taon.
Haharapin niya ang defending champion na si Iga Swiatek ng Poland para sa puwesto sa Round of 16 ngayong Sabado.
Kinailangan lamang ni Swiatek ng 70 minuto para talunin si Karolina Pliskova, 6-1, 6-3.
Na upset ni Eala si Swiatek, 6-2, 6-5, sa quarter-final ng Miami Open noong Marso 27, 2025, pero nagbawi ang Polish na tennis star nang magtagpo silang muli sa Round of 64 ng Madrid Open noong Abril 24, 2025.