Advertisers

Advertisers

“PABAON” KAY GENERAL!

0 515

Advertisers

WALA pang katiyakan kung tuluyang magreretiro sa serbisyo sa Philippine National Police (PNP) si Region 4A Director BGen. Hansel Marantan sa darating na July 10, 2026?

May inihihirit pa na one year extension si Department of Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla upang palawigin ni PBBM ang police service ni Gen. Marantan.

Lemery Mayor Ian Kenneth Alilio at Lt Col. Bryan Dexter Andulan

Ngunit, tiyak na walang alam si Gen. Marantan sa ginagawang pangingikil ng grupo ng tong collector na sina alyas Magsino, alyas Sgt. Adlawan, Hero at Maricon ng milyones na “pabaon” para sa magri-reterong heneral. Umiikot ang mga ito sa mga kuta ng mga iligalista sa CALABARZON.

Ultimong mga sakla den sa Lemery, Batangas ng isang alyas Danny at alyas Mayor ay “pinasusuka” ng Php 25K bawat pwesto ng sakla gabi-gabi na “pabaon” kuno para sa heneral. May 20 saklaan ang pinatatakbo nina alyas Danny at alyas Mayor sa ibat ibang barangay sa hurisdiksyon nina Lemery Mayor Ian Kenneth Alilio at Police Chief Lt Col. June Aian Rojas.

Dati ay pumapalo lamang sa Php10k ang weekly intelgencia sa sakla sa Batangas at Cavite, ngunit biglang sumipa ang lingguhang tara nina alyas Magsino at alyas Sgt. Adlawan sa Batangas; Hero at Maricon sa Cavite nang mag-umpisang mangolekta ang mga ito ng “pabaon”.

Bukod sa Lemery ay tumataginting na Php 500K na “pabaon” ang nakokotong gabi-gabi nina alyas Magsino at alyas Sgt. Adlawan sa 20 saklaan sa Lipa City na pinatatakbo nina alyas Glen Figaro, Uying at policewoman na alyas Sgt. Mitch.

Sa Padre Garcia ay may kinokolekta ding “pabaon” sina alyas Magsino at alyas Sgt. Adlawan sa sakla sa Brgy. Sambat at Poblacion ng magkakasosyong alyas Tisoy, Estole, Jeff, Russel at Nonit; sa Tanauan City ay sa mga pwesto ni alyas Lucido sa Brgy. Bagbag at iba pang barangay; sa Nasugbu ay sa walong saklaan ng ilang police scalawag ang iniimbudo din nina alyas Magsino at alyas Sgt. Adlawan na “Pabaon”.

Sa Sto. Tomas City ay may limang saklaan ang pinatatakbo nina alyas Magsino at alyas Sgt. Adlawan. Sina alyas Magsino at alyas Sgt. Adlawan ay nagpapanggap din na tong collector ng tanggapan ng Batangas CIDG Provincial Office ngunit tila walang kamalay-malay si Lt Col. Bryan Dexter Andulan.

Sa Cavite na probinsya ng mga Remulla ay laksa-laksa din ang “Pabaon” na nahaharbat nina alyas Hero at Maricon sa pasakla nina Bacion alyas Francis sa bayan ng Alfonso; sa Silang ni alyas Sgt. Maala; sa Indang nina alyas Sgt. Atas at Alma at sa Kawit ni alyas Eric Turoc.

Sina alyas Hero at Maricon ay operator din ng mga sakla sa Ternate, Maragondon, Noveleta, Naic, Magallanes, Dasmariñas City, Bacoor City at Cavite City.

May nakolekta na ding “Pabaon” sa bookies ng EZ 2, Pick 3 at online gambling ng isang alyas Jun Toto, Kap Abner at Nitang Kabayo sa Dasmariñas City at sa mga pasugalan sa harap ng Cavite State University sa bayan ng Indang na inooperate ng mga drug pusher na sina alyas Boy No Life at Eve.

Mabigyan man ng one year service extension, ay mag-iiwan ito ng matinding mantsa sa pagkatao ni Gen. Marantan kung di niya maipasasawata ang mga pinaggagawa nina alyas Magsino, alyas Sgt. Adlawan sa Batangas at Hero at Maricon sa Cavite.

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144