Advertisers

Advertisers

“PLUNDER” NGA BA?

0 603

Advertisers

NAKAKULONG na ngayon si Senator Rodante Marcoleta at ex-Congressman Mike Defensor, matapos sampahan ng kasong “plunder” kaugnay nang umano’y ‘campaign contribution’ na umabot ng P75 milyon– lampas ng P25 milyones sa ‘treshold’ na P50 milyon para sa kasong plunder.

Sa nangyari, nabalewala rin ang mga inilunsad na kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) at iba pang mga grupo noong isang linggo na umaalma sa umano’y ‘selective justice’ na umiiral ngayon sa bansa kung saan basta “kalaban” at kritiko ng gobyerno, ‘sandamakmak na kaso ang aabutin mo.

“Sampal” din, mismo, sa INC ang pagbalewala ng gobyerno sa mga naging panawagan nito katulad ng paglalabas ng katotohanan hinggil sa trilyones na ‘flood control project scam’ at panagutin ang mga nasa likod nito.

Alam ng lahat na noong 2022, isa ang INC sa “nagbuhos” ng suporta kay BBM at kung “dedma” na lang ito ngayon, patunay lang na sa ating pulitika ngayon, ‘there are no permanent friends, only permanent (political) interest.” At ang INC? “Wala ‘yan!” Araguy!

Hindi tayo eksperto sa batas pero kasama tayo sa nagtatanong: Kasong plunder ba ang tumanggap ng donasyon at kontribusyon ang isang kandidato samantalang hindi naman ito pera ng gobyerno?

Sa pananaw pa ng ilang miron, sapul ng maisabatas ang Plunder Law (RA 7080) noong 1991, naging instrumento na ito sa pamumulitika na ang unang biktima ay si Pang. Erap noon at ang kanyang anak na si Senator Jinggoy.

Saan bang reklamo na-convict noon si Pang. Erap? Dahil tumanggap daw siya ng milyones na pera galing sa “jueteng.”

Eh, teka muna, ang pera ba sa jueteng ay pera ng gobyerno? Hindi. Pero dahil kailangang mabigyang katwiran ang iligal na pagtanggal sa kanya, kailangan siyang mahatulan ng ‘guilty.’

Sa termino naman ng benggador na rehimen ni PNoy, ipinakulong din si PGMA sa kasong plunder at ang isyu naman ay ang pondo ng PCSO– perang ginamit bilang ‘blood money’ upang hindi mabitay noon ang isang OFW sa Middle East.

Plunder ba ang ginawa ni PGMA? Hindi rin dahil sa dakong huli, nabasura ang reklamo sa kanya.

At ngayon nga, muling ginamit ang Plunder Law laban naman dito kay Sen. Marcoleta at Mike Defensor– kasehodang nito lang Pebrero, matapos himayin ang isyu, inabsuwelto ng COMELEC si Senator Marcoleta sa reklamong dahilan kaya siya nakakulong ngayon.

Nilabag ba talaga ng senador ang Plunder Law kaya siya detenido ngayon? O may iba pang dahilan?

Ano sa tingin ninyo mga kabayan?