Advertisers

Advertisers

HULI DAHIL SA DATI NILANG KASAMA

0 3

Advertisers

NITONG nakaraang July 2, naiulat ng Philippine National Police (PNP) na may nadiskubre silang malaking bulto ng mga armas na itinago ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF sa Sitio Llaga, Barangay Mabuno, Gattaran, Cagayan.

Eto ang kanilang mga nakuha sa operation na iyon – dalawang M76 High Explosive rifle grenades with canisters, isang M76B High Explosive rifle grenade with canister, dalawang 40mm High Explosive Dual Purpose rounds, dalawang 40mm High Explosive rounds, pitong 12-gauge shotgun shells, 20 rounds ng 7.62mm linked ammunition, 134 rounds ng 5.56mm ammunition, dalawang non-electric blasting caps, anim na rounds ng caliber .38 ammunition, siyam na fired caliber .38 shell casings, dalawang caliber .38 revolvers, isang improvised shotgun with magazine, dalawang M16 magazines, Isang extended caliber .45 magazine, at isang 12-volt wet cell battery.

Dami ano, paano naman natimbog o’ natumbok ng mga pulis ang mga armas na iyon, na ibinaon pa ng mga komunistang-terorista sa kagubatan ng Barangay Mabuno, malapit sa dati nilang kuta.

Sabi ng PNP, inginuso ang mga nakabaong armas ng mga dating rebelde na ngayon ay nagbalik-loob na sa pamahalaan, dahil alam naman nila na walang patutunguhan ang kanilang ipinaglalabang baluktot na ideolohiya.

Nang mavalidate ang impormasyon, siyempre pinuntahan ng ating mga alagad ng batas, at kahit na ‘rugged terrain’ ang susunungin, nakumpirma ng mga pulis, natalagang mahirap matagpuan ang lugar ng pinagtaguan ng mga armas. Kaya ang kanilang paniniwala, ibinaon muna ang mga ito, at saka na lamang babalikan kapag manggugulo na naman ang mga nabahag ang buntot na mga rebelde.

Kasi naman, puspusan ang kampanya ng pamahalaan laban sa kanila. Hindi para sila ay paslangin, kung di bigyan pa ng pagkakataon na makapagbago at makabalik sa tamang lipunan at buhay.

Kaya nga natimbog ang mga armas, dahil sa mga dati nilang kasamang mga rebelde na nakita ang tunay na hangarin ng Administrating Marcos sa mga Filipinong gaya nila.

Kung makakapagbalik-loob lamang ang mga rebeldeng nagbaon ng mga armas na iyon, tiyak ko, papasok na ang kaunlaran sa nasabing probinsiya.

Hinahangaan ko ang pagsisikap ng ating kapulisan at ang mga kasama at umalalay sa kanilang mga sundalo na nabibilang sa Police Regional Office 2 (PRO2) kasama ang 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, at sinuportahan ng Gattaran Municipal Police Station, Cagayan Provincial Explosives and Canine Unit, Police Intelligence Team Cagayan North, Regional Intelligence Unit 2, at ng 17th Infantry Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army.

Mabuhay kayo mga sir!