Advertisers

Advertisers

Dr. Nick Vera Perez Ipinamalas ang Husay sa Pagho-host sa UPSA Tournament

0 10

Advertisers

Si Dr. Nick Vera Perez ang naging Master of Ceremonies sa 3rd Annual United Philippine Sports Alliance (UPSA) Basketball Tournament na ginanap noong Hulyo 4 at 5, 2026 sa Chicago, Illinois, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-250 anibersaryo ng Independence of the United States.

Dinaluhan ang dalawang araw na torneo ng halos 2,000 atleta, supporters, at Filipino basketball enthusiasts mula sa iba’t ibang estado ng Amerika. Pinangunahan ni Dr. Nick ang opening at closing ceremonies, na kinabibilangan ng pag-awit ng pambansang awit ng Estados Unidos at Pilipinas nina Audrey Esquivel at Evelyn O. Francia, Parade of Athletes, panalangin ni UPSA Commissioner Ricky Minion, at Oath of Amateurism.

Nagbigay rin ng mensahe si Consul General Francis Almonguera tungkol sa pagkakaisa, serbisyo, at pagmamalaki ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Isa sa mga tampok sa closing ceremony ang simbolikong turnover ng golden basketball, kung saan pormal na ipinasa ng SWIFBAC, sa pangunguna nina President Hemler Asprer at General Organizing Adviser at UPSA Board Director Martin Uy, ang hosting responsibilities sa New York para sa susunod na torneo.

Nagpasalamat si Dr. Nick sa mga organizer, atleta, sponsors, volunteers, photo at video teams, mga delegasyon mula Texas at California, GCash representatives, at sa lahat ng sumuporta sa matagumpay na pagsasagawa ng torneo. Nagbigay rin siya ng espesyal na pagkilala sa mga opisyal ng SWIFBAC, Tournament Director Martin Uy, Gether E. Minion Apparel, Cids Mamon Luk sa pamamagitan ng Milagros & Rosa, at kay Evelyn O. Francia.

Bukod sa pagiging host, si NVP ay isa ring Doctor of Nursing at recording artist. Puspusan ang pagpo-promote nito ng kanyang mga album na Dancing in the Ocean at Unafraid habang inihahanda ang kanyang ikapitong album na Reminiscing, na maglalaman ng 12 revived OPM at international classic songs.

Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul sa healthcare, hosting, at musika, sinabi ni Dr. Nick na nananatiling prayoridad niya ang kanyang mommy, Vi, na itinuturing niyang pinakamalaking tagasuporta sa kanyang buhay.