Advertisers

Advertisers

Petisyon kontra pagpapatupad ng NCAP sa Metro Manila, ibinasura ng SC

0 5

Advertisers

IBINASURA ng Supreme Court (SC) ang petisyon na kumukuwestiyon sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy sa Metro Manila.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Rodil Zalameda, nakasaad na moot o wala nang saysay ang mga petisyon dahil umiiral na ang Metro Manila Traffic Code of 2023 na layong pag-isahin ang guidelines sa ipinatutupad na NCAP sa buong NCR.

Sinabi ng Kataas-taasang Hukuman na nagkulang din sa legal standing ang mga petitioner, hindi nasunod ang exhaustion of administrative remedies at hierarchy of courts, at nagkaroon ng forum shopping.



Inihain ang petisyon ng Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon na humihiling na ideklarang labag sa Saligang Batas ang mga ordinansa ng Maynila, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, at Muntinlupa na nagpapatupad ng NCAP.

Iginiit ng mga petitioner na taliwas ang NCAP sa Land Transportation and Traffic Code at lumalabag sa karapatan sa due process dahil nakatatanggap lamang ng abiso ang mga motorista matapos ang umano’y paglabag sa batas trapiko.



Nilinaw naman ng SC na maaari pa ring kuwestiyunin ang bagong sistema kung magkakaroon ng kontrobersiya.

Samantala, binawi na rin ng Supreme Court ang temporary restraining order na inilabas noong August 2022 laban sa pagpapatupad ng NCAP sa mga lungsod ng Maynila, Quezon City, Valenzuela, Parañaque at Muntinlupa at sa LTO.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">