Advertisers

Advertisers

Atty. Zuleika Lopez pinadalhan na ng subpoena ng Senate Impeachment Court

0 8

Advertisers

INISYUHAN na ng Senate Impeachment Court ng subpoena ad testificandum si Atty. Zuleika Lopez ang Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte.

Hiniling ng prosekusyon sa Impeachment Court na ipa-subpoena at paharapin si Lopez sa impeachment trial sa susunod na linggo ukol sa Article 4 o ang grave threats ni VP Sara laban kay Pangulong Bongbong Marcos, kay First Lady Liza Araneta-Marcos at dating Speaker Martin Romualdez.

Ang naturang subpoena na nilagdaan ni Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero ay naipadala at natanggap ng Central Records Unit ng Office of the Vice President (OVP) nitong Huwebes, Hulyo 9 pasado ala-una ng hapon.



Pinahaharap si Lopez sa impeachment trial sa July 13 at 14, alas-dos ng hapon, para magbigay ng testimonya sa kanyang nalalaman patungkol sa impeachment case na inihain ng Kamara laban kay VP Sara.

Matatandang sa Day 3 ng paglilitis kay VP Sara ay pinalabas ang bahagi ng dalawang oras na online press conference kung saan ipinakita ang parte na naging emosyonal si Lopez matapos na ipa-cite in contempt ng Kamara nang humarap sa pagdinig kaugnay sa confidential funds noong Department of Education (DepEd) Secretary pa ang bise.



Binalak din aniya siyang ilipat ng Women’s Correctional facility at inamin din ng defense team na ito ang pinag-ugatan kaya nagkaroon ng pagbabanta si VP Sara laban sa pangulo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">