Advertisers
NAGLABAS narin ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 46 ang Sandigabayan Fourth Division laban kay Senador Rodante Marcoleta at dating Anakalusugan Representative Michael Defensor kaugnay ng pagtanggap ng campaign donations na ‘di dineklara sa kanyang SOCE at SALN, ayon sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Ayon kay Colonel John Guiagui, hepe ng CIDG National Capital Region, nitong Miyerkules ng gabi ay naglabas ng media advisory ang Sandiganbayan “that arrest warrant was issued by the 4th Division for the violation of PD 46. We immediately dispatched yung mga personnel ng CIDG to verify and validate such news and ‘yun nga nalaman natin it was already served by the sheriff of the Sandiganbayan.”
“So ito is bailable for P30,000. Ang ano lang dito against Michael Defensor and Sen. Rodante Marcoleta, 2 lang sila. Yung nauna natin is 4, itong PD 46 na in-issue ng 4th division ay 2 lang sila,” ani Guiagui
Aniya pa, “’Yung PD No 46 , it is a law that makes a criminal offense for government officials and employees to receive and for private individuals to give gifts on any occasion. Ito yung pagtanggap, pagbigay sa anumang okasyon sa isang government official and/or employee ito yung PD 46. Ito yung sinasabi ng 4th division na nalabag nina Sen. Marcoleta and Michael Defensor.
Sinabi ni Guiagui na nag-return na sila ng warrant, “‘Yung mga mugshott, fingerprint, certificate of detention, ang kulang na lang yung medical certificate or medical condition ni Sen. Marcoleta which we submitted yesterday (Mierkoles) upon receiving yung directive mula sa Sandiganbayan.
Ayon kay Guiagi, sa sandaling maglabas ng clearance ang PNPGH na nasa maayos o mabuting kalagayan na si Sen. Marcoleta ay agad nila ito dadalhin sa Payatas City Jail sa Quezon City batay sa kautusan ng Sandiganbayan.
Kaugnay nito, sinabi ni Lt. Col. Benaly Bayani, hepe ng PNP General Hospital Internal Medicine Department, mananatili naka-confine si Marcoleta sa PNPGH habang hindi pa lumalabas ang mga resulta ng isinagawang mga laboratory test sa Senador.
“Sa ngayon nag-aantay pa tayo ng official result ng 2D Echo. Yung mga laboratories meron na po tayo and ang findings lang natin is Dyslipidemia. For now ‘yung 2D Echo yung official result ‘yung inaantay natin,” pahayag ni Bayani.
Samantala nakakulong na si Defensor sa Payatas City Jail sa Quezon City.
Sina Marcoleta, Defensor at dalawa pang negosyante ay nahaharap din sa kasong Plunder. (Mark Obleada)