Advertisers

Advertisers

Cebu, Zambo lifters kuminang sa World Youth Championships

0 4

Advertisers

NAKAMIT ni Jea Mae Palagtiw na taga-Cebu ang dalawang silver medal Sabado, na nagtapos sa matagumpay na kampanya ng Pilipinas sa International Weightlifting Federation (IWF) World Youth Championships sa Cali City, Colombia.

Sa unang beses niyang lumahok sa international na torneo, ang 14 na taong gulang ay pumangatlo sa snatch (88kg) ngunit pumangalawa sa clean and jerk (112kg) at total (200kg) sa women’s 77kg division.

Nanalo ng gintong medalya ang Grade 9 na estudyante ng University of Cebu (UC) sa Private Schools Athletic Association National Games noong Mayo. Napili siya sa team na papunta sa Colombia matapos pumasa sa tryouts noong Abril, kung saan nakapagbuhat siya ng kabuuang 193 kgs (83-110).

Sinasanay na niya si Palagtiw mula noong siya ay pitong taong gulang pa lamang.

Binati ng UC weightlifting team si Palagtiw at Bureros sa pamamagitan ng isang post sa Facebook.

Ang iba pang medalistang Cebuano ay sina Rhianne Cabalida (dalawang pilak at isang tanso) sa women’s 69kg division at Althea Bacaro (isang pilak at isang tanso) sa women’s 44kg division.

Ang mga bet mula sa Lungsod ng Zamboanga ay nagdala ng siyam na medalya, kabilang ang apat na ginto mula kina Alexsandra Ann Diaz at Jay-R Colonia.

Si Diaz, ang pamangkin ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, ang nanguna sa women’s 48kg category, na nag-angat ng 77kg sa snatch at nagtatag ng bagong youth world records sa clean and jerk (98kg) at total (175kg).

Si Colonia ay may isang ginto at dalawang pilak sa men’s 56kg division, sinundan ni Jhodie Peralta (dalawang pilak) sa women’s 53kg division at ni Kirby Kent Alas-as (isang pilak) sa men’s 60kg division.

Sina Antonio Agustin Jr., Gregorio Colonia, at Allen Jayfrus Diaz ang iba pang mga pambansang coach na sumama sa biyahe sa Colombia.