Advertisers

Advertisers

PBBM, DILG nasa tamang landas kay Dir. Nemeño sa BJMP

0 8

Advertisers

Simula na naman ang bagong yugto sa kasaysayan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) – ito ay sa pamamagitan ng pamumuno ng isang beteranong kamay na hasang-hasa na sa maayos at matinong pagpapatakbo sa kawanihan.

Ipinagkatiwala at pormal nang nanumpa si Jail Director Efren Altamira Nemeño bilang bagong pinuno ng kawanihan nitong Hunlyo 9, kasunod ng pagtatapos ng termino ng papalabas o nagretiro ( sa serbisyo) na lider na si Jail Director Ruel Rivera.

Bukod sa pagtatalagang bagong hepe ng BJMP kay Nemeño, isinabay na rin ang panunumpa at ang paggawad sa kanya ng prestihiyosong ranggong may two-star rank. Pinangunahan naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor C. Remulla sa Quezon City Reception House ang panunumpa at paggawad.

Sa okasyon, hindi nag-atubili ang Kalihim na ipaalala ang bigat ng tungkuling nakaatang ngayon sa mga balikat ni Nemeño. Hinamon din ng Kalihim ang bagong pinuno na kamtin ang buong respeto ng buong puwersa ng BJMP.

“Remember , Sir, all these ladies and gentlemen are relying on your leadership, relying on leadership by example,” pahayag ni Remulla sa kanyang talumpati.

Bilang tugon naman ng bagong talagang hepe, siya ay naglatag ng isang malinaw na mithiin para sa kanyang panunungkulan. Nangako si Nemeño na buong-lakas niyang tutugunan ang problema sa kasikipan sa mga kulungan, lalabanan ang korapsyon, at mahigpit na ipatutupad ang prinsipyo ng kakayahan at karapat-dapat (merit and fitness) sa lahat ng mga administratibong pagkilos.

Muli niyang pinagtibay ang kumpromiso sa pangunahing utos ng BJMP: ang pagtiyak ng ligtas, makatao, at nakasentro sa repormang pasilidad para sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa buong bansa.

Hindi nagkamali at nasa tamang landas ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatalaga kay Nemeño sapagkat ang opisyal ay isa nang “seasoned leader” – hinog na hinog na at subok na subok na batay sa kanyang track records mula sa mga pinanggalingan iba’t ibang maseselan at mapaghamon na posisyon.

Si Nemeño ay naging Warden ng Cebu City Jail; naging Regional Director/s, hanggang maupong bilang

BJMP Deputy Chief for Operations noong Hulyo 17, 2023 kung saan ay pinangunahan din ang pambansang seguridad at mga programa sa rehabilitasyon.

Hindi lamang isang karaniwang pagpapalit ng pamunuan ang pagkakatalaga kay Nemeño kung hindi ito ay isang estratehiko at kapuri-puring hakbang ng administrasyon.

Tandaan na ang pamumuno sa isang institusyong may tungkulin kapwa sa pambansang seguridad at makataong pagbabago ay hindi madaling gawain, ngunit taglay ni Nemeño ang tibay ng loob at malawak na karanasan na kinakailangan para rito.

Ang DILG naman, sa ilalim ng pamumuno ni Sec.Remulla, ay nagpapatunay na nasa tamang landas sa pagpili kay Nemeño. Sa pamamagitan ng paghirang sa isang pinunong ang kahusayan ay pinatunayan na ng kanyang kahanga-hangang track record—mula sa kanyang mga araw bilang Cebu City Jail Warden hanggang sa kanyang natatanging pagganap bilang Deputy Chief for Operations—ipinapakita ng DILG na ang kakayahan at katapatan sa trabaho ang higit na matimbang.

Ang karera ni Nemeño ay kinakitaan ng patuloy at pataas na direksyon ng kahusayan – patunay na hindi lamang niya nauunawaan ang mga patakaran ng kawanihan, kundi aktibo niya itong isinasabuhay sa bawat yugto ng kanyang serbisyo.

Ngayon, sa pagkakaroon ng isang beteranongat baltikang repormador sa timon ng pamunuan, makasisiguro ang publiko na ang BJMP ay nasa ligtas at kakayahan na mga kamay.

Congratulations Dir. Nemeño, at nawa’y ang inyong pamumuno ay maghatid ng isang mas makatao at progresibong sistema ng pagwawasto pa sa BJMP.