PULONG PARA BAGUHIN ANG JUVENILE JUSTICE ACT, PAGBAWAL SA 12-ANYOS PABABA SA ILANG SOCIAL MEDIA PLATFORMS, ITINUTULAK NI SEN. ERWIN TULFO
Advertisers
BUNGA ng mga ulat kamakailan lang ukol sa mga menor de edad na nasasangkot sa mga ‘adult crimes’ na kinatatampukan ng Tacloban high school shooting incident, inihayag ni Senator Erwin Tulfo ang plano nitong magsagawa ng pulong kasama ang mga stakeholders upang i-review ang batas na sumasakop sa mga minors para papanagutin sila sa mga insidente ng adult crimes at para sa posibilidad na pagbabawal sa mga kabataang edad 12 pababa na gumamit ng ilang social media platforms.
Sa ginanap na ‘MACHRA Balitaan” forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View Restaurant sa Ermita, Maynila, binigyang-diin ni Tulfo na kailangan ding magkaroon ng angkop na pasilidad kung saan maaring ilagak ang mga naturang kabataan para sa rehabilitation.
Ani Tulfo, maraming butas ang Juvenile Justice Act na isinabatas matagal pa bago siya naging Senador.
Bilang Chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, sinabi ni Tulfo na kailangang mapulong ang lahat ng stakeholders gaya ng awyers, prosecutors, parents, teachers, youth representiative, psychiatrists, Philippine National Police at iba pa.
Binalikan ng Senador ang mga karanasan bilang police reporter noon kung saan ang mga pulis na nakakahuli ng mga menor de edad halimbawa para sa kasong robbery-holdup ay pupunta sa piskal pero pagdating doon, ni hindi alam ng pulisya at piskal ang gagawin sa suspek dahil sa murang edad nito kaya’t sa bandang huli ay nauuwi ang kaso sa release for further investigation (RFI) dahil diumano di mapatunayan ang ‘discernment.’
“Who will say if me discernment o wala? Piskal ba? Social psychologists? Social welfare ba? Kaya kailangan pag-aralang mabuti ang batas uko sa age of criminal liability para matantiya kung babaan na ba. Di naman payag ang mga biktima na pauwiin na lang… you have to rehabilitate pero ‘wag isama sa mga kriminal dahil sabi ng iba, lalo lang magiging loko so, let’s put up a faciity for them like a Youth Reception Center for example,” ani Tulfo.
Dagdag pa niya: “There is a need to thoroughly investigate in aid of legislation by getting the opinions of all stakehholders involved in the issue at hand.”
Suportado din umano ni Tulfo ang pagtakda ng limitasyon ng access sa social media lalo na sa mga batang 12 ayos pababa at sa online gaming na may karahasan at aniya, sa ibansa gaya ng Australia ay ginagawa na ito. (JERRY S. TAN)