Advertisers

Advertisers

Maris Racal masaya sa pagkapanalo ng ex na si Rico Blanco; Goodbye Anthony hello Afam

0 3

Advertisers

By Beth Gelena

Masaya si Maris Racal para sa ex boyfriend niyang si Rico Blanco dahil nakatanggap ito ng award sa larangan ng pag-arte.

Ayon sa ulat, nagpahayag si Maris ng suporta at kasiyahan para sa dating nobyo na si Blanco matapos itong makatanggap ng acting award.

Ani Maris: “I’m very happy for him. Nakakatuwa dahil matagal na niyang gusto umarte. And now he has an award for it. I’m genuinely happy for him.”

Ipinapakita ng pahayag na masaya siya sa tagumpay ni Rico bilang aktor.

Binanggit pa niya na matagal nang pangarap ni Rico ang umarte, kaya natuwa siyang makita itong kinikilala sa bagong larangan.

Si Rico ay tumanggap ng Best Supporting Actor award sa The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) para sa kanyang pagganap sa pelikulang Manila’s Finest.

Sa kanyang panig, wala namang ipinahiwatig si Maris tungkol sa kanilang nakaraang relasyon. Nakatuon lamang ang kanyang pahayag sa pagbati at pagkilala sa tagumpay ni Rico bilang artista.

Ibig sabihin nito ay naka-move on na ang aktres sa break up nila ng singer na umabot din ng ilang taon.

Samantala may natsitsismis ngayon na may bagong lovelife na raw uli ang aktres at isa raw itong Afam.

Komento ng netizens, “So afam ang bagong dyowa niya.”

“I noticed the guy’s Goyard bag.”
“Akala ko, si Anthony Jennings na ang endgame niya.”
“Hopefully, matagpuan na ni Maris ang guy na deserved niya.”
“After Rico and Anthony, she deserves to be in a happy place.”

Sa ngayon wala pang realsyon ang waging Best Actress sa nakaraang Eddy’s awards night.