Advertisers
Inaresto ng Bureau of Immigration-intelligence division (BI ID) ang tatlong banyaga sa magkakahiwalay na operasyon sa Luzon at Visayas dahil sa immigration violations.
Kinilala ni BI-ID chief Fortunato Manahan, Jr. ang mga banyaga na sina Cameroonian Henri Joel Atanga Betayene, 35; Turkish national Murat Fentci, 53 at Italian national Mario Angelai, 60.
Sila ay dinakip nitong July 1 at 2 ng BI Intelligence Division at Regional Intelligence Operations Units sa operasyong isinagawa sa Cainta, Rizal; Sagbayan, Bohol at Baguio City.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, si Betayene ay dinakip sa isang subdivision sa Cainta sa kasong overstaying at gayundin si Fentci na inaresto naman sa Barangay Canmaya Diot, Sagbayan, Boho.
Ani Sandoval, sa Baguio City naman nahuli ng intelligence operatives si Angelai, kung saan nagta-trabaho ito bilang chef sa isang local restaurant sa kabila ng pagkkakaroon lamang ng tourist visa.
“The operation was conducted after officers conducted surveillance and verified that the foreign national was actively employed without the appropriate work visa or permit, ani Sandoval.
Sinabi naman ni Manahan na ang tatlong banyaga ay dinala sa BI custody para sa booking at documentation at sasailalim din sa deportation proceedings para sa paglabag ng Philippine Immigration Act. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)