Advertisers
NAGPAPASAKLOLO sa grupong Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) ang isang senior high student na isang Filipina-Ita-lian nang pagsamantalahan umano ng driver ng in-drive transport network company sa Quezon City.
Nitong Lunes, sa salaysay ng 19-anyos na biktima kay LCSP founding president Atty. Ariel Inton, sa loob mismo ng itim na Toyota Avanza nang halayin siya ng 33-anyos na TNVS madaling araw ng Mayo.
Ipinarada umano ng driver ang sasakyan sa madilim na bahagi sa kanto ng New York at Imperial Sts. sa Barangay E. Rodriguez, Cubao, Quezon City at doon ay puwersahan siyang pinagsamantalahan.
Hindi agad nagsumbong ang biktima dahil sa takot para sa kaniyang kaligtasan.
Ayon kay Atty. Inton, nitong Lunes (July 13) naisampa na nila ang kasong kriminal sa QC prosecutors office at da-dalhin din nila ang usapin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO).