Advertisers

Advertisers

Ex-Sen./Ex-Manila Mayor Fred Lim, 90

0 327

Advertisers

Sumakabilang buhay na ang tinaguriang Dirty Harry ng Maynila na si dating Manila Mayor Alfredo Lim.
Pumanaw si Lim sa edad na 90 sa sakit na Covid-19.
Ayon sa nakuhang impormasyon, binawian ng buhay si Lim dakong 4:57 ng Sabado ng hapon sa hindi nabanggit na ospital.
Sa naging pahayag ni Ric de Guzman, dating staff ni Lim na nagpapagaling ang Dirty Harry gayunman, hiniling ng kampo ang panalangin sa agarang paggaling nito.
“On Behalf of the family of former Mayor Fred Lim, we appeal to everyone to please give us some moments of privacy as we focus on Mayor Lim’s swift recovery from his current illness,” ayon pa sa naging pahayag ni De Guzman kahapon nang kumalat sa social media sa balita na ang dating alkalde ay pumanaw na dahil sa sakit na COVID.
Ang nasabing balita ay sinabing fake news ng kampo ni Lim habang hindi naman idinetalye ang totoong nangyari o sakit ng dating alkalde.
Gayunman, gumulantang ang balita nitong Sabado ng hapon kung saan napabalitang pumanaw na nga ang dating alkalde ng Maynila.
Nasilbing alkalde si Lim ng Maynila noong 1992 at nare-elect noong 1995.
Nagsilbi rin ito bilang Chief ng Department of Interior and Local Government (DILG) mula 2000 hanggang 2001. Naging Senador naman ito taong 2004. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)