Advertisers
Binigyan-diin ng Malakanyang na isasalba at hindi hahayaan ng gobyerno na mabangkarote ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito’y kasunod ng pahayag ng opisyal ng PhilHealth na posibleng sa susunod na taon ay mabangkarote ito dahil sa korapsiyon at mababang koleksiyon nito habang patuloy na tumataas ang benefit payouts sa gitna ng pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay guaranteed ng gobyerno at kung hindi sapat ang pondo nito ay dadagdagan ng pamahalaan mula sa kaban ng bayan.
Giit ni Roque na hindi papayagan ng pamahalaan na mabangkarote ang PhilHealth.
Sinabi pa ni Roque na kailangan lang ng PhilHealth ay mga taong tunay na mag-aalaga sa mga kontribusyon ng mga miyembro nito maging sa mga subsidy na ikinokontribyut ng National Government. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)