Advertisers

Advertisers

TSISMIS O PANAKOT NA OPLAN ROMANOV!

0 2,096

Advertisers

“TELL it to the Marines”! Mga haka-hakang pinalilitaw ng kampo ni Inday Sara kaugnay sa ibinunyag ni Davao Mayor Baste Duterte hinggil sa aniya ay Oplan Romanov.

Acting PNP Region 4A Dir. PBGen. Dominic Baccay at Davao City Mayor Baste Duterte

Ang “Oplan Romanov” ay pinaniniwalaang “palabas” lamang upang maghasik ng matinding takot na nagmula sa impormasyon ng isang dumalo umano sa isang press conference ni VP Sara matapos ang isang Maisug Rally noong January 2024 sa Davao City.

Ang Oplan Romanov ay unang binanggit ni Davao Mayor Baste matapos na bawasan ng 75 katao ang mahigit kumulang sa 500 na bodyguard ni VP Sara.

Inilahad ni dating National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division Chief na ngayon ay BARMM Regional Dir. Atty. Jeremy Lotoc na batay sa datus ng Commission on Audit (COA) ay may 325 ang dati ay humigit-kumulang sa 500 bodyguards ni VP Sara.

May eksaktong pigura ang COA pagkat nakatala din sa kanila kung sino-sino ang mga sinuwelduhan ng tanggapan ng Bise Presidente ng salaping buhat sa dugo, pawis at pinagpaguran ng mga mamamayang Pilipino.

Hindi lamang sa buong bansa, manapa’y posibleng sa buong planeta ay si VP Sara ang may pinakamalaking hukbo ng bodyguard na mas marami pa sa nakatalaga kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. Si dating Vice-President Leni Robredo ay tinatayang nasa 30 katao lamang ang bodyguard.

Higit na marami pa ang mga bodyguard ni VP Sara kaysa sa malalaking celebrity tulad nina Shakira, Beyonce, Jaden Smith, Taylor Swift at Ariana Grande na gumagamit lamang ng mga bodyguard sa mga big event.

Sino itong taga Davao City na si Inday Sara kung ikukumpara sa mga naturang showbiz personalities?Ang kaibahan nga lamang nila ay di nasabit ang mga pangalan ng mga ito sa anumang uri ng katiwalian sa kanilang bansa.

Ang Romanov ay orihinal na nagmula sa paghahari sa bansang Russia ng mga Romanov noong 1613 na tumagal ng mahigit sa 300 taon.

Ang pinakahuling emperador na Romanov na si Czar Nicholas II at ang kanyang buong pamilya- kabilang ang kanyang asawa at mga anak ay pinaslang ng Bolshevik troop sa Yekaterinburg noong 1918. Ang Bolshevik Party ay itinatag ni Vladimir Lenin matapos na kumalas sa Russian Social Democratic Party noong 1903.

Mahaba ang kasaysayan ng dinastiyang Romanov at malalim ang pag unawa dito ng mga Duterte kung saan ang naging pamumuno ni Digong sa Pinas ay tila naka angkla o halaw sa mga Romanov ng Russia na siyang original sa ideolohiyang komunismo sa mundo.

Ang pulpol at bobo naman na si Robin Hood ay umamin na isa siyang komunista? Paano natin tatangkilikin ang isang komunista na ay ex-convict pa?

ILEGAL SA QUEZON, DI INAAKSYUNAN!

Kailan kaya kikilos pabor sa reklamo ng mga apektadong mamamayan sina Quezon Gov. Angelina Helen” Tan at Acting PNP Provincial Dir. Col. Romulo Albacea na walang ginagawa upang sawatain ang laganap na operasyon ng oil and petroleum pilferage sa Lucena City at bayan ng Pagbilao at mga illegal vices sa naturang lalawigan.

Kailan, kung patay na ang kabayo? Kung kailan nakapaminsala na ang operasyon ng paihi ni alyas Troy sa Eco-Tourism Road, Brgy. Salinas sa siyudad ni Mayor Mark Alcala at ni alyas Amigo sa Brgy. Ikirin sa bayan ni Pagbilao Mayor Gigi Portes? Kapag may nangyari na ay sino pa ang sisihin ni PBBM kundi sina PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., PNP Region 4A Dir. PBGen. Dominic Baccay, Gov. Tan kaya o Col. Albacea?

Kaano-ano kaya ni Col. Albacea ang alyas Albacea na kolek-tong ng Laguna? May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144