Advertisers

Advertisers

Warrant of arrest ang sakit ni Sen. Marcoleta

0 6

Advertisers

IPINASOK na sa Quezon City Jail sa Payatas ang dating siga-sigang kongresista ngayo’y Senador Rodante Marcoleta.

 

Ito’y matapos sabihin ng duktor sa Philippine General Hospital na walang pneumonia, fit to travel, walang medical finding para siya’y maospital, at kayang  humarap sa paglilitis ni Marcoleta.

 

Si Marcoleta ay naisyuhan ng dalawang warrant of arrest sa kasong paglabag sa Presidential Decree 46 (pagbabawal sa public officials at employees na tumanggap ng anumang regalo kahit sa anong okasyon kabilang ng ang Christmas para maiwasan ang graft at hindi mapaghinalaan), at Plunder (sa pagtanggap ng P75 million na campaign donation na hindi naideklara sa kanyang SOCE at SALN.

 

Makakasama ni Marcoleta sa naturang kulungan ang kanyang mga kapwa akusado na sina dating Congressman Mike Defensor at dalawang negosyante na silang nagbigay ng P75m  donasyon para sa kampanya ng senador noong 2022.

 

Nahuling ipasok sa selda ang 72-anyos na Marcoleta dahil sa mga ginawang serye ng checkup sa kanyang kalusugan. Dami raw kasi itong nararamdaman sa katawan. Pero ang naging finding ng duktor ay walang kailangan para ito manatili sa ospital. Ang kanyang sakit lang pala ay warrant of arrest. May pa-wheelchair wheelchair pa. Hehehe

 

‘Pag nahatulan si Marcoleta sa Plunder, ‘di na siya makakaboto pa sa impeachment ni Vice President Sara Duterte at hindi na siya makakatakpo sa politika.
Pareho lang sila ni Sen. Jinggoy Estrada, na nauna nang nakulong dahil din sa Plunder, sa pagtanggap ng kickback sa flood control projects anomaly.
Iba naman ang kaso ni Sen. Bato dela Rosa. Nagtatago ito sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC). Isa siya sa co-perpetrator ni ex-President Rody Duterte sa kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng mga pagpatay noong termino nila sa Malakanyang.

 

Anyway, balikan natin si Marcoleta. Wish natin na kayanin niya ang masansang amoy ng selda. Its over!
***

 

Inanunsyo ni NBI Director Melvin Matibag na binuksan nila ang imbestigasyon sa iregularidad sa paggamit ng bilyones na pondo sa 2019 SEA Games na ginanap sa bansa.

 

Say ni Matibag, mayroon bilyon bilyong piso na hindi maayos na na-liquidate sa pondo ng SEA Games.

 

“Nakita namin dun yung sports complex na ginamit sa SEA games, yung sa Philippine SEA Games organizing committee… nakarating sa amin na bilyon bilyon pala yung pumasok dito na pera na unliquidated,” diin ni Matbag matapos ang pag-inspection sa New Clark City sa Tarlac.

 

Aniya, mayroong isang kontraktor na nakatanggap ng P10-B sa mga proyekyong may kinalaman sa SEA Games.

 

Pumutok na noon ang isyung ito pero biglang natunaw dahil sa pagiging magkakampi nina Cayetano at noo’y President Rody Duterte. You know!

 

Sa administrasyong Marcos Jr., malamang may paglalagyan na si Cayetano. Peks man!
Nangangamoy Quezon City Jail ang isyung ito.