State prosecutors nanindigan walang prejudice sa pagtanggal kay Bonoan mula sa graft at plunder charges
Advertisers
MARIING nanindigan ang mga state prosecutor na walang prejudice o pinsala sa kanilang mosyon na alisin si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan mula sa mga kinakaharap niyang kasong graft at plunder kaugnay ng anomalya sa flood control projects.
Sa kaniyang pagharap sa kawani ng media matapos ang isang oras na clarificatory hearing sa mosyon nitong Miyerkules, Hulyo 15 nilinaw ni Assistant State Prosecutor III Reza Casila-Derayunan na hindi ito itinuturing na malaking pagbabago sa halip inilalarawan lamang nito ang pamamaraan o mekanismo ng isang aksiyon na nakasaad na sa orihinal na impormasyon.
Kayat hindi aniya ito nakakaapekto o nakakapinsala sa iba. Subalit, tinutulan ng mga abogado ng kapwa akusado ni Bonoan ang naturang mosyon.
Sa kabila nito, sinabi ni Fifth Division Chairperson Zaldy Trespeses na “deemed submitted for resolution” na ang mosyon ng state prosecutors kasunod ng clarificatory hearing.
Umaasa naman ang korte na maresolba ang usapin bago ang arraignment o pagbasa ng sakdal kina Estrada at Bonoan sa plunder at graft charges sa Hulyo 28.
Matatandaang nahaharap sina Bonoan, Estrada at tatlo pa sa kanilang kapwa akusado sa graft at plunder charges kaugnay ng umano’y ilegal na isiningit na pondo at project allocations sa infrastructure portfolio ng DPWH noong 2025.