Advertisers

Advertisers

Unipormeng kahel (P) tungong TOGA ng BJMP

0 5

Advertisers

Mula sa pagsusuot ng unipormeng kulay kahel na may tatak na PDL tungong pagsusuot graduation gown “TOGA”. Ito ang layunin ng isa sa pangunahing programa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa ilalim ng liderato ni Dir. Efren Nemeño.

Magiging posible ang lahat – maging isangh college degre holder ang PDLs matapos na inilunsad na ng Mandaue City Jail ang programang “College and Skills Behind Bars” (CSBB) bilang bahagi ng pinaigting na rehabilitasyon at paghahanda sa reintegrasyon ng persons deprived of liberty (PDL) sa pamamagitan ng pinalawak na de-kalidad na edukasyon at pagpapaunlad ng kasanayan.

Bilang panimula, may kabuuang 39 na PDL na kinabibilangan ng 28 lalaki at 11 babaeng mag-aaral, ang nagboluntaryong nag-enrol sa programa na nagbukas/nagsimula nitong Hulyo 10 alinsunod sa direktiba ni Nemeño ukol sa “whole-of-community jail governance”.

Ipinapakita ng CSBB ang dedikasyon ng BJMP sa restorative corrections sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga nakapiit ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo, makakuha ng mga praktikal na kasanayan, at muling mabuo ang kanilang buhay nang may dignidad at layunin.

Ang programa ay ipinatupad sa pakikipagtulungan ng Mandaue City College (MCC) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA Region VII) kung saan ang inisyatibang ito ang kauna-unahang pinagsamang programa sa loob ng BJMP na pinagsasama ang tertiary education at technical-vocational training para sa mga PDL.

Kukuha ang mga kalahok ng kursong Bachelor of Science in Business Administration, Major in Marketing Management, habang sabay na sumasailalim sa mga pagsasanay sa teknikal-bokasyonal na kasanayan na idinisenyo upang mapabuti ang kanilang tsansa na makahanap ng trabaho at kabuhayan kapag sila ay lumaya.

Ayon kay BJMP chief, nagsimula ang mga face-to-face na klase para sa first semester ng academic year 2026–2027 noong Lunes (Hulyo 13, 2026) sa Mandaue City Jail – Male Dormitory.

Sa ilalim ng mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad na protocol sa seguridad at kustodiya ng BJMP, gaganapin ang mga klase mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 a.m. hanggang 11:00 a.m. at 1:00 p.m. hanggang 4:00 p.m.

Sa pamamagitan ng edukasyon at bokasyonal na pagsasanay, sinasangkapan ng programa ang mga kalahok ng kaalaman at mga kakayahan na kinakailangan upang maging produktibo, responsable, at masunurin sa batas na mga kasapi ng lipunan sa kanilang muling pagbabalik sa kanilang mga komunidad.

Iyan ang BJMP ngayon sa ilalim ng bagong lider – ang layunin sa programa ay magiging produktibo ang bawal PDL pagkalaya. Hindi na sila magiging sakit sa lipunan, magiging banta sa ating mga anak, at hindi na rin banta sa mga negosyo. Kung baga, dahil sa pagiging degree holder, sila ay magiging asset sa bansa.