Advertisers

Advertisers

MMDA SOG-SF Gabriel Go, pinasisibak ng isang kongresista?

0 5

Advertisers

Nananawagan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes na sibakin na si MMDA Special Operations Group-Strike Force head Gabriel Go.

Diin ni Tinio, patuloy na nilalabag ni Go ang deriktiba ni Artes at patakaran ng MMDA na huwag gamitin sa personal na social media posts ang mga operasyon ng MMDA.

Giit ni Tinio, malinaw na ginagamit ni Go ang kanyang posisyon at mga operasyon ng MMDA sa personal na vlogging para sa sariling intres, para siya ay sumikat at kumita.

Inihalimbawa ni Tinio, ang nag-viral na video ng isang guro na hinuli dahil walang helmet at ginamit na content sa vlogging kahit nakiusap ang biktima para sa kanyang privacy.

Ayon kay Tinio, dapat irespeto ng ating mga law enforcers ang sinumang inaaresto o sinisita dahil sa paglabag sa batas-trapiko at huwag pahiyain o gamiting content sa social media vlogging.

MMDA, naglalabas ng show cause order vs Gabriel Go sa viral video ng hinuling guro

Samantala pagpapaliwanagin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Special Operations Group-Strike Force (SOG-SF) Head Gabriel Go matapos kumalat ang viral video ng paghuli at umano’y pamamahiya nito sa isang guro na kaniyang sinita dahil sa traffic violation.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, maglalabas sila ngayong araw ng show cause order para pagpaliwanagin si Go kaugnay ng naturang insidente.

Nilinaw rin ni Artes na hindi naman sinibak si Go sa puwesto at hindi lamang siya pasasamahin sa mga operasyon laban sa mga pasaway na motorista habang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente.

Una nang umani ng samu’t saring reaksiyon ang viral video at nanawagan pa si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio kay Artes na sibakin sa puwesto si Go.

***

Reaksyon o Suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail