Advertisers

Advertisers

Matagumpay ang stratehiya ng Prosecution Team ni Congresswoman Gerville “Jinky” Luistro

0 3

Advertisers

Itong nakaraan ikalawang linggo ng Senate Impeachment Trial ni VP Sara Duterte ay kinatampukan ng huling pagsalang kay NBI Regional Director Jeremy Lotoc kung saan muling kinros eksamin siyang muli. Nuong una ang testigong si NBI Director Lotoc ay naglahad ng isang malinaw na pasasalarawan ng bantang pagpatay ni Duterte sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang kanyang kabiyak at ang dating Speaker of the HoR Congressman Martin Romualdez. Ngunit nitong ikalawang linggo ng pagdinig hindi pa rin natibag ng Defense Team ni Atty Poa ang testimony ni Lotoc — at sa katunayan ang prescon ng Prosecution Team ni Congresswoman Luistro ay naglahad na ng tagumpay sa pagdinig ng unang article of impeachment na Grave Threat sa buhay ng Pangulo ng bansa. Ang sabi nga ng volunteer lawyer na si Atty Lorna Kapunan “…xxxx…as a team we know when to stop, so now we come to a stop!” Isang patunay na ang unang article ng apat na artikulong laman ng impeachment ng Pangalawang Pangulo ay sarado na.

Sa darating na linggo, ang ikatlong yugto ng pagdinig ay katatampukan naman ng pagpiprisinta bilang testigo ang ilang tauhan ng mga bangko, ng BIR, ng COA at ng AMLC patungkol naman sa mga transaksyon ni Sara Duterte at ng kanyang asawa, gayun din ang kanilang ITR na tungkol naman sa kanyang di maipaliwanag na yaman mula nang siyang nanungkulan bilang taong gobyerno sa Davao City hanggang sa siya ay mahalal na Bise President ng bansa.



Well prepared ang prosekusyon na pinamunuan ni Luistro at ang kanyang unang litigator sa unang artikulong Banta sa Buhay ng PBBM na si volunteer prosecutor Atty Armando Virgil Ligutan ay nakakitaan ng milyon milyong nakatuon sa live streaming ng Impeachment Trial of Sara Duterte, ng husay at talino na nag viral karakaraka sa social media. Ang malumanay niyang demeanor ay umani ng walang hanggang papuri dahil sa husay at maliwanag niyang paghihimay ng mga samut-saring mahahalagang patunay sa kasong dinidinig — na mahusay namang nailahad ng dalawang NBI officers na silang OPR ng pagbubusi at pagiimbestiga sa pamamagitan ng kanilang professionalism at expertise bilang cyber crime investigators. (x)

Si Luistro ay dating miyembro ng Quadcom ng HoR na isang maituturing na Congressional breakthrough sa mga anumalyang kinasangkutan ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ilang miyembro ng kanyang pamilya. Naging tampok na testigo sa pagdinig ng komiteng ito si dating Senado Antonio Trillianes, ang nabansagang mortal na ka away ni Duterte na siya ring isa mga prime movers ng pagkakaaresto ni Duterte sa isa ng ICC arrest warrant for crimes against humanity.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">