Concert Ni Rozz Daniels, Sa New Music Box Jampacked; Sir David Daniels All-out Ang Suporta Lagi Kay Rozz
Advertisers
By Peter Ledesma
Opening number pa lang ni Rozz Daniels, ng “Dance With Me Tonight” with her back-up dancers(Torregosa Girls) sa 3rd Concert sa Music Box ay todo palakpakan ang kanyang crowd kay Rozz. Well mahusay kasing concert performer si Rozz, na grabe humataw pagdating sa kanyang sing and dance number. At first time sa live performance niya sa said concert na nakasama ang mga bagets na nephews na sina Shiharu Torregosa-Saito at Brandon Torregosa na anak ng brother ni Rozz.
Yes, inintroduced ni Rozz, sa concert niyang ito si Shiharu at Brandon, dahil sabay niyang ibi-build-up ang dalawa sa kanyang mga upcoming projects.
Well pareho kasing nakitaan ni Rozz ang mga pamangkin nilang ito ng husband si Sir David Daniels. Isa pa sa surprise number ni Rozz ay ang first time niyang maka-duet sa kantang ‘Sana Mahalin Mo Rin Ako” ng April Boys ang niece na si Monica Torregosa-Santos na madalas niyang maka-collab sa sayaw sa kanyang mga concert.
Going back to Rozz performane, dumagundong talaga ng sigawan, hiyawan, at palakpakan ng kantahin ng Pop Rock Diva ang pino-promote na 2026 version ng “Bulong Ng Damdamin” na kanyang latest single Revival at composed nga ni Doc Mon Del Rosario.
Even Gerald Santos na part ng Meet The Stars concert ay napahanga sa pagiging crowd-drawer ni Rozz. Yes gabi ni Rozz Daniels ang concert niyang ito sa Music Box at siya talaga ang Nag-iisang “INDEPENDENT CONCERT QUEEN” ng Philippine Music Industry. Ilan pa sa mga nag-perform rito ay ang sikat na Vlogger na si Jovan David, Beauty Queen-Actress Ms. Faye Tangonan na may boses pala, Recording Artist-Actor Lester Paul Recirdo, at marami pang iba.
Ang Meet The Stars concert ay produced at dinirek ni Benny Andaya at si Timmy Basil na aming Ka ROZZ Angels ang nagsilbing host. As always Sir David is number one supporter of his wife Rozz Daniels at siya ang number one fan ni Rozz na isa sa mga unang nagtiwala sa singing talent ng nasabing “Revival Queen!” na partner in life for over 37 years na.