Boy Abunda binuking na may nakaraan na sina Bea at Vincent bago pa man naging magdyowa at nagpakasal
Advertisers
By Anne Venancio
Ibinahagi ni Boy Abunda na minsan nang nanligaw si businessman na si Vincent Co kay Bea Alonzo bago pa man nauwi sa kasalan ang kanilang relasyon.
Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong Hulyo 15, sinabi ng TV host na ayon sa kanyang mga source, matagal nang magkakilala sina Bea at Vincent at sinubukan na raw noon ni Vincent na ligawan ang aktres, ngunit hindi ito nauwi sa isang relasyon.
“In fact, nanligaw na raw noon pa si Vincent kay Bea, pero hindi lamang ito tumawid sa relasyon. Until faith brought them together again. And now, they are finally married,” ani Boy Abunda.
At muling nagtagpo ang landas nina Bea at Vincent Co, na nauwi sa kanilang pagpapakasal sa isang pribadong civil wedding na ginanap sa Makati City Hall noong Hulyo 13, 2026.
Muling naging usap-usapan ang love story ng dalawa matapos mapansin ng ilang netizens na tila nagkatotoo ang ilang detalye mula sa isang lumang tarot reading ni Bea noong 2021.
Sa YouTube vlog na inilabas noong Enero 2, 2021, sumailalim si Bea sa tarot reading kasama ang aktres at TV personality na si Kakai Bautista. Isa sa mga itinanong noon ng aktres ay kung makakapag-asawa pa siya.
Matapos bumunot ng tatlong tarot cards, sinabi ng tarot reader na nakikita niyang sa isang civil wedding unang ikakasal si Bea.
“Later on pa nga. Civil yung una. Hindi ka church wedding una, pero medyo hidden lang. Either seven months from now or seven years from now,” pahayag ng tarot reader.
Nagulat noon si Bea sa naging prediksyon at pabirong sinabi, “Seven years? Forty na ako noon.”
Bukod sa uri ng kasal, sinabi rin ng tarot reader na magiging maganda umano ang married life ng aktres at inilarawan ang magiging asawa niya bilang isang mature na lalaki na may tapat na pagmamahal.
Ikinasal sina Bea at Vincent sa isang intimate civil ceremony na pinangunahan ni Makati Mayor Nancy Binay. Dumalo lamang ang kanilang piling pamilya at malalapit na kaibigan, habang pinili naman ng mag-asawa na huwag magkaroon ng professional photo at video coverage upang mapanatiling pribado ang kanilang espesyal na araw.
Samantala, nilinaw ng abogado ni Bea na si Atty. Joey V. Garcia ang mga lumabas na ulat tungkol sa kanilang prenuptial agreement. Ayon sa kanya, walang naging alitan o legal na isyu kaugnay nito bago ang kasal.
Ibinahagi rin ni Bea na siya mismo ang nag-makeup sa araw ng kanilang kasal upang gawing mas personal ang isa sa pinakamahalagang sandali ng kanyang buhay.
Ayon naman kay Vincent, ipagpapaliban muna nila ang kanilang honeymoon dahil abala pa si Bea sa taping ng bago nitong GMA drama series na Whispers from Heaven.