Advertisers
Hindi natuto sa karanasan o sa nakaraan ang tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at muling nagpamalas ng pagiging haragan sa kalsada ng sitahin ang motoristang guro na namataan na walang suot na helmet. Hindi nakitaan ng kababaang loob ang tagapagpaganap ng kaayusan ng daloy sa kakalsadahan ng kaMaynilaan ang tauhan ng MMDA tinuluyan na tikitan ang guro. Walang pagtutol sa galaw na tinuluyan tikitan ang nagkasalang guro sa hindi pagsusuot ng helmet sa pagmamaneho ng motor. Subalit ang balewalain ang paki-usap na huwag kuhaan ng video at ganap na i-upload sa social media ang ‘di naibigan. Hindi minamali ang paninita at paniniket na ginawa ngunit ang patuloy na kuhaan ng video at ipakita sa social media ang labis na ikinadidismaya sa tauhan ng MMDA. Para saan ang pag-upload ng paninita at paniniket sa guro na nakikiusap?
Walang pagsasalag sa salang nagawa o kahinaan ng pasya ng guro na magmaneho ng ‘di sapat ang suot at naniniwalang sa kabutihan ang banggit na ginawa ng tauhan ng MMDA. Subalit ang isantabi ang paki-usap na huwag kuhaan at ipakita sa social media ang salang gawa ang ‘di naibigan sa tauhan ng MMDA na mala-sanggano ang dating. O’sadyang ibig ipamalas sa mga taga-sunod sa social media account ang pagiging tigasin at walang sinasanto ang tauhan ng MMDA, maging sino man, GaGO.
Binalikan ang ilang kaganapan sa kakalsadahan sa kaMaynilaan na ini-upload sa social media ng isang nagngangalang GO. Sa isang lugar sa Lungsod Quezon, silip ang matikas na kawani ng MMDA na sinisita ang nakaparadang sasakyan sa isang malapit na himpilan ng pulis. Silip na kinakausap ang isang opisyal ng pulis na ‘di nakitaan ng paggalang at tila natinag ang kawani ng MMDA na tinuluyan na tiketan ang may-ari ng sasakyan. Sa totoo lang, muli ‘di tumutol sa gawa ngunit ang maging mapagmalaki na ginagamit ang social media bilang pananggalan ang salang galaw ng tauhan ng MMDA, GagO. Sa totoo lang, malaki ang respeto sa mga opisyal ng MMDA kay Chairman Artes at Gen. Torre ngunit ‘di ibibigay ang banggit na respeto sa tauhang si Gabriel Go na silip ang kawalang galang sa mga motorista na sala sa galawan sa kakalsadahan. Di nakita ang paggalang sa mga motorista na kahit may sala, inaasahan ‘di mawawala ang pagiging magalang sa kawani ng pamahalaan.
Sa nasilip na video sa social media hinggil sa paninita ng MMDA sa mga motorista, ganap ang pagiging arogante ng punong tagapagpaganap na siya ang batas sa kakalsadahan sa kaMaynilaan. Hindi matanggap kung bakit hinahayaan ng pamunuan ng MMDA na gamitin ang mga kuhang video upang palakasin ang tindig ng ahensya sino man ang masita. O’ sadyang pinagkikitaan ang mga na upload na video dahil sa dami ng nanonood. Hindi ibig na pulaan ang liderato ng MMDA ngunit kung patuloy ang salang galaw ng mga nagpapagalaw ng trapiko sa kaMaynilaan maari na kayong magpahinga. At sa totoo lang, hindi naiibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa kakalsadahan ng kaMaynilaan at patuloy ang pagbigat.
Hindi sinasalag ang salang gawa ng mga motorista higit ng guro na napahiya sa mga mag-aaral na sinita, ang kinaiirita ang paraan ng pakikipag-usap ng kawani ng MMDA sa mga taong may paglabag kuno sa batas ng trapiko. Sa mga video napanood ang kawalang galang ng tauhan ng MMDA higit ang puno. Ang kawalang galang sa pakikipag-usap sa mga motorista na kinukuhaan ng video ang salang galaw na ‘di tanggap. At pumasok sa isip kung bahagi ng patakaran o regulasyon ng tanggapan ang pagkuha ng video at ang pag-upload sa social media, ang itanong, saan pumapasok ang mga kaperahan na nakukuha sa social media kung meron man?
Sa kaganapan sa kakalsadahan ng kaMaynilaan, ibig ipaabot sa mga kawani ng pamahalaan higit sa MMDA ang ganap na paggalang sa mga taong pinagsisilbihan. Ang salang gawa ng tao sa lansangan higit ang mga motorista ay ‘di nangangailangan ng marahas na pakitungo higit ng mga tauhan ng MMDA o pulis na nagpapatupad ng kaayusan. Ang pakisuyo na ‘di ibig maalis ang pagkakamili’y sapat na upang ‘di maganap ang pang-iinsulto sa pagkatao ng sino man. Ang mga ina-upload na video sa social media ang ginagawang panunupil sa mga taong may sadya o ‘di sadyang pagkakamali. At sadyang paraan ng kawani ng MMDA sa pagpapapogi. Sa totoo lang, ginagamit ang social media bilang “carrot and stick” sa pagpapatupad ng batas sa kakalsadahan. Sinasalag ang salang galaw sa papatupad sa pagbibigay ng mga maliliit na bagay sa mga ilang sinisita na ‘di kayang makabili ng helmet na kailangan. Ngunit ‘di ganap na tanggap ang pakitang tao na alang kapalit, higit ang ibig na pagpapapogi na ina-upload sa social media.
Sa totoo lang, inaayunan ang MMDA sa ibig na maayos na kakalsadahan ng kaMaynilaan na ubod ng dami ng sasakyan. Umaasa na ‘di mawawala sa tuon ang MMDA na ayusin ang kakalsadahan sa kaMaynilaan sa pag-uumpisa sa sarili na magkaroon ng mahusay na tagapagpaganap. Hindi kailangan ang papoging mga tagapagpatupad na gamit sa pananakot ang social media na nakakasira ng pagkatao ng ilang motorista. Ang mahusay na pagpapatupad ng batas trapiko na ‘di gumagamit ng “carrot and stick” ang ibig mamalas sa mga tagapagpatupad. Ang kailangan, ang ganap nang kaayusan sa kakalsadahan. Batid ang mga nakakalat na CCTV sa kaMaynilaan at ‘di kailangan ng pag-upload ng mga video ng galaw ng GagO na sumisira sa tanggapan.
Sa panghuli, umaasa na aalisin at pananagutin ang kawaning pumasok sa ulo ang kasikatan kuno sa social media at ganap na sinasagasaan ang ibig. Walang naipakitang kagalingan ang GagOng kawani na naibsan ang daloy ng mga sasakyan sa kaMaynilaan. Paumanhin sa namumuno ng MMDA na nabulag ng tauhan na una ang sarili ‘di bale ang ahensya. Sa totoo lang, ang pamunuan ng MMDA ang nasagasaan ng haragan ng kakalsadahan na ilang ulit na ipinahiya ng GagOng tauhan na sarili lang ang dala. Muli, umaasa na ‘di makakabalik o ibabalik ang anay na sumisira sa magandang imahe ng MMDA ng ‘di pamarisan ng ibig maglingkod sa tanggapan at maging sa ibang sangay ng pamahalaan. Ang matino ang pagkatao ang dapat italaga ng MMDA na ‘di ikukumpromiso ang tama sa mali ngunit umiintindi sa kagalingan ng nakakarami.
Maraming salamat po!!!!