Advertisers

Advertisers

Grabe ka, VP Sara!

0 5

Advertisers

HINDI ko alam kung gaano kaseryoso o nang-aasar lang si Vice President Sara Duterte sa Senado.
Mantakin mong gusto niyang ipasalo sa Senado ang pagkain ng kanyang defense team sa buong Impeachment Trial laban sa kanya.
Oo! Sinulatan ng Office of the Vice President (OVP) ang Senado. Hiniling na sagutin nito ang pagkain ng defense team ni VP Sara sa buong panahon ng impeachment trial.
Sinabi pa nitong ang catering na dapat kunin ay yaong mga accredited lamang ng OVP.
Very demanding ng VP Sara n’yo noh? Hehehe…
Pero hindi pumayag ang Senado. Sinabi ni Senate President Win Gatchalian na wala silang budget para sa pagkain ng defense team at maging ng prosecutors sa impeachment trial.
“Wala kaming pondo para magbigay ng pagkain sa prosecution at defense,” diin ni Gatchalian.
“Wala naman sa budget natin. Baka masita tayo. Papaano natin i-explaion na pinapakain natin yung defense?”, reaksyon naman ni Sen. Erwin Tulfo.
“Bring your own baon ‘yan….Magdala kayo ng Piattos at ensaymada para hindi kayo magutom sa haba ng testimonya,”  pabiro naman ng House prosecutor Atty. Lorna Kapunan.
Ginawa ng OVP ang sulat sa Senado bago  lumipad si VP Sara patungo sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Netherlands kungsaan nakakulong sa ICC facility ang kanyang ama, ex-Pres. Rody Duterte.
Oo! Tila walang paki si VP Sara sa impeachment trial laban sa kanya. Naniniwala siguro siya na hindi mapapatalsik sa puwesto dahil mataas ang kanyang rating sa presidential survey para sa 2028.
Aba’y napakalayo pa ng 2028. Marami pa ang maaring mangyari. Dito lang sa impeachment laban sa kanya, kapag napatalsik siya ay goodbye na ang political career niya.Mismo!
***
Katakot-takot na puna mula sa netizens ang inabot ni Senator-Judge Robin Padilla nang pagsabihan niya ang House prosecutor na huwag itong maging one-sided. Hehehe…
Sagot naman ni House lead prosecutor Gerville Luistro, one-sided talaga ang prosecutor sa pag-prosecute, alangan naman aniyang kampihan nila ang defense team, at maging neutral sa trial.
Ang dapat maging neutral ay ang Senator-Judge, hindi yung nag-aabogado pa sa pino-prosecute.
Anyway, naiintindihan natin na kapos sa edukasyon at walang legal backgrond si Padilla. Pero mas maige sa kanya  manahimik nalang siguro tulad ng ginagawa ni Senator-Judge Lito Lapid na nagmamatyag lang sa balitaktakan ng mga abogadong sangkot sa impeachment trial.
Pero ang pagbida-bidahan ni Padilla sa impeachment trial ay pangtanggal ng stress. Hehehe…
Happy weekend!!!