Advertisers

Advertisers

TRIAL, MAARING MAKAAPEKTO SA RATINGS NI VP SARA; VP, PATULOY NA NANGUNA SA SURVEYS

0 5

Advertisers

“THE ongoing impeachment trial could eventually affect Vice President Sara Duterte’s public trust and satisfaction ratings if she and her defense fail to answer the allegations against her before the Senate Impeachment Court.”

Ito ang pahayag ni dating Surigao del Norte Rep. and Gov. Robert Ace Barbers, adviser at spokesperson for the House prosecution panel, dahil aniya, maraming Pilipino ang nagiiging ‘aware’ sa mga ebidensiyang inilalatag ng prosekusyon.

“Naniniwala ako na nagiging mulat na ang mga kababayan natin doon sa usapin ng trial. Ipinapaliwanag ng prosecution kung ano ang mga alegasyon at ano ang mga ebidensyang sumusuporta sa mga alegasyong ito,” ani Barbers.

“The ratings therefore reflected public opinion before the prosecution began presenting its evidence before the Senate impeachment court. Duterte’s ratings could eventually be affected if the allegations and evidence presented by the prosecution remain unanswered,” ani Barbers.

“Hangga’t hindi ito nasasagot sa tamang panahon o sa tamang forum, sa aking paniniwala, makaaapekto ito sa trust and popularity rating ng ating bise presidente. Kaya nga napakahalaga na sila ay sumagot at ma-rebut itong mga allegations at mga ebidensyang inilatag ng prosecution,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay House prosecution counsel and legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., napakaaga pa para malaman ang takbo ng public opinion.

“Lagi naming sinasabi, huwag nating pangunahan ang boses ng bayan. Hintayin natin na pagkatapos mailatag ang ebidensya, hindi lang ng prosecution pati ng defense. Saka natin ulit tingnan kung ano na ang opinyon ng ating mga kababayan. Naniniwala kami pagkatapos nilang masuri ang lahat ng ebidensya, imposibleng hindi maapektuhan kung ano ang opinyon nila sa bagay na ’yan,” aniya.

Sa mga Social Weather Stations (SWS), patuloy na nangunguna si VP Duterte sa dami ng suporta ng publiko, na mayroong “good” net satisfaction rating na +31 at 58 percent ‘satisfied’ sa kanyang performance, at “very good” net trust rating na +46, pinakamataas sa lahat ng opisyal ng bansa.

Ang SWS surveys ay isinagawa mula June 20 hanggang 29, isang linggo bago ang July 6 Senate impeachment trial. (JERRY S. TAN)